VeritasPH

The Word, The Truth

Ang integridad ng eleksyon

SHARE THE TRUTH

 271 total views

Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa mga panlipunang turo ng Simbahang Katolika ang eleksyon bilang isa sa mga pangunahing haligi ng demokratikong pamamahala. Isa ito sa mga nagtitiyak na nakalalahok ang mga mamamayan sa paggawa ng mga pulitikal na desisyon, na binibigyang-pansin ni Pope John Paul II sa kanyang ensiklikal na Centesimus Annus. Samakatuwid, ang kapangyarihan ng mga pinunong malayang pinipili ng mga mamamayan ay dapat na ginagamit para sa mga taong nagluklok sa kanila. Nagpapasya at kumikilos sila sa ngalan ng taumbayan at para sa kapakanan ng buong bansa. Kaya nga sa wikang Filipino, napakabigat ng salitang “lingkod-bayan” upang patungkulan ang mga lider na pinipili natin sa araw ng halalan.

Ngunit hindi natin maitatangging ang kalakaran ng pulitika sa ating bayan ay tila nananatili pa rin sa kontrol ng mga pulitiko at mga grupong may kani-kaniyang makikitid na interes. At nasasalamin ito sa kung paano nila ituring ang proseso ng eleksyon. Sa pagtatapos ng pag-file ng certificates of candidacy (o COC) ng mga nais makuha ang ating mga boto sa Mayo 2022, may mga kumuwestyon sa ginagawa ng ilang partidong pulitikal na nagsasalang ng mga kandidatong kalaunan ay plano nilang palitan o i-substitute. Bagamat hindi ito iligal, mistulang nasasamantala ito ng mga grupong naghihintay pa rin ng pagsang-ayon ng kandidatong gusto nilang patakbuhin ngunit hindi pa desidido o nagpapakipot pa.

Ganito ang nangyari noong halalan ng 2016. Matatandaang naging substitute candidate ang noo’y Davao City Mayor Digong Duterte para sa isang kandidatong kalaunan ay nagdesisyong umatras. Ngunit malinaw na naging estratehiya lamang iyon ng kanyang partidong PDP-Laban. Sinusuyo pa kasi ng mga miyembro nito ang sikat na alkalde na tumakbo sa pagkapangulo kahit pa nauna na niyang sinabing wala siyang ambisyong maging presidente ng Pilipinas. Ngunit ibinoto pa rin siya ng 16 na milyong botante, and the rest is history, ‘ika nga.

At ngayon, mukhang ganito na naman ang magiging diskarte ng mga partidong sinusuyo naman ang anak ng presidenteng anila’y magpapatuloy ng pagbabagong sinimulan ng ama. Mga pangalan ng hindi kilalang tao o kaya naman ay ng masugid na tagasunod ng presidente ang naghain ng kanilang COC sa pagkapangulo at pagkabise-presidente habang hinihintay ang magiging pasya ng kanilang gustong maging standard-bearer sa halalan. Isang partido ang umaming placeholders o mga pansamantalang kandidato lamang ang mga pangalang kanilang inihain sa Comelec ngunit kalaunan ay binawi ito ng kanilang tagapagsalita. Sa ilalim ng Omnibus Election Code, pinapayagan lamang ang substitution kapag ang naghain ng COC ay pumanaw, umatras o nag-withdraw, o na-disqualify. Dapat ding manggaling sa kaparehong partido ang ipapalit.

Nakadidismayang parang hindi sineseryoso ng ilang mga pulitiko ang halalan. Kung tunay ang kanilang hangaring maglingkod sa bayan, hindi ba dapat nilang ihain sa atin ang pinakamahusay nilang kandidato? Kung dalisay ang kagustuhan ng mga pulitikong pamunuan ang ating bansa, hindi ba dapat na maging malinaw ang kanilang intensyong tumakbo sa halalan? Kung pinahahalagahan nila ang karapatan nating bumoto at tungkuling sumali sa buhay-pulitika ng bayan, hindi ba dapat nilang panatilihin ang integridad ng halalan simula pa lang ng paghahain ng kandidatura ng mga nais tumakbo? Ang ginagawang substitution ng ilang partidong pulitikal ay lantarang panunuya o mockery sa proseso ng ating eleksyon.

Mga Kapanalig, ang karapatang pumili ng ating mga lider ay maituturing na biyaya mula sa Panginoon. Sabi nga niya sa Deuteronomio 1:13, “pinapili ko kayo ng mga taong matalino, maunawain at may sapat na karanasan upang italaga kong tagapamahala ninyo.” Ang halalan ay isang pagkakataong ibinibigay sa atin upang isakatuparan ang habiling ito ng Diyos. Nakasalalay sa ating balota kung bibigyan natin ng pagkakataon ang mga sumasalaula sa integridad ng ating eleksyon.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kalidad ng pagtuturo

 6,296 total views

 6,296 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 13,832 total views

 13,832 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 29,818 total views

 29,818 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 37,863 total views

 37,863 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 42,943 total views

 42,943 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 6,297 total views

 6,297 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 13,833 total views

 13,833 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 29,819 total views

 29,819 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 37,864 total views

 37,864 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 42,944 total views

 42,944 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 43,376 total views

 43,376 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 45,162 total views

 45,162 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 42,087 total views

 42,087 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 56,401 total views

 56,401 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 60,091 total views

 60,091 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 58,694 total views

 58,694 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 68,681 total views

 68,681 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 72,649 total views

 72,649 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 83,536 total views

 83,536 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 95,975 total views

 95,975 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top