Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

ANG KAMPANA NG KONSENSIYA!

SHARE THE TRUTH

 21,988 total views

Panawagan sa Bayan ng Diyos sa Archdiocese ng Lingayen Dagupan

Ang gulo ng bayan!

Parami nang parami ang mga ulila sa magulang, sa asawa at sa anak. Pakiusap na “Huwag po!” naririnig sa mga eskinita at tambakan. Patayan sa magdamag. Panaghoy at hikbi sa madaling araw galing sa mga ulila. Ang multo ng mga pinatay ay humihingi ng awa. Ang isip ng mga buhay ay puno ng lungkot at takot “Baka ako na ang isusunod? Sino ang nakatitiyak.”

Ang gulo ng bayan!

Ang opisyal na pumatay ay may parangal. Ang pinatay ay sinisisi. Hindi na makapagpaliwanag ang mga bangkay sa bintang sa kanila “Nanlaban kasi”. Hindi na nila masabi “Nagmakaawa po ako hindi ako lumaban!” Sino ang magtatanggol sa kanila?

Kung may tatlumpu at dalawang patay daw araw-araw ay gaganda ang ating buhay…at ang mga kababayan ay tumatango sa pagsang-ayon. Pumapalakpak ang kababayan at sumisigaw nang may ngiti “Dapat lang!” habang binibilang ang bangkay sa dilim, habang bumabaybay sa kaliwa’t kanang lamay sa patay.

Pagpatay daw ang lunas sa lahat ng kasamaan. Pagpatay daw ang dapat para sa taong sinira ng droga. Ang bayang ayaw daw sa droga ay dapat na pumayag na patayin ang pusher. Kapag nanindigan para sa dukhang na tokhang, tiyak na maliligo ka sa mura at banta. Marami naman ang nagpapatakot!

Ito na ba ang bagong tama?

Bakit kakarampot na lamang ang kababayang naaawa sa mga ulila? Hindi na ba tayo marunong umiyak? Bakit hindi na tayo nasisindak sa tunog ng baril at agos ng dugo sa bangketa? Bakit walang nagagalit laban sa drogang ipinasok galing Tsina? Bakit ang mga mahihirap na lang lagi ang binabaril at kapag mayamang “malakas sa itaas” ay kailangan muna ng imbestigasyon at affidavit?

Ang gulo ng bayan! May maling nangyayari sa bayan!

May dapat iwasto sa bayan! May dapat pagsisihan ang bayan! Humingi tayo ng tawad sa Diyos.

Sabi ng Banal na Kasulatan “Kung ang aking bayan na tinatawag sa pamamagitan ng aking pangalan ay magpakumbaba at dumalangin, at hanapin ang aking mukha, at talikuran ang kanilang masamang mga lakad; akin ngang didinggin sa langit, at ipatatawad ko ang kanilang kasalanan, at pagagalingin ko ang kanilang lupain.” (2 Chronicles 7:14)

May pagkukulang tayo sa Diyos kaya may gulo at dugo. May dapat tayong gawing tama upang manumbalik ang paghahari ng Diyos sa ating bayan. Hindi likas sa atin ang matuwa sa patayan.

Nang dahil dito…

Simula ikadalampu at dalawa ng Agosto (Agosto 22) Pista ni Mariang Reyna ng Sanlibutan, ang lahat ng KAMPANA sa LAHAT NG SIMBAHAN SA LINGAYEN DAGUPAN ay IBABAGTING SIMULA ALAS OTSO NG GABI SA LOOB NG BUONG KINSE MINUTOS NANG TULOY TULOY. Gagawin natin ito hanggang ikadalawampu at pito ng Nobyembre (Nobyembre 27) pista ng Birhen Medalya Milagrosa.

Ang pagkampana tuwing alas otso sa loob ng kinse minutos ay alay na panalangin para sa mga pinatay. Matanggap nawa nila ang kapayapaang hindi nila naranasan noong sila ay nabubuhay pa.

Ang tunog ng kampana ay tinig ng Diyos na sana ay gumising sa konsensiyang manhid at bulag. Huwag kang papatay! Kasalanan yan! Labag sa batas yan! Yan ang sabi ng kampana!

Ang bagting ng kampana ay tawag ng pag gising sa bayang hindi na marunong makiramay sa ulila, nakalimutan ng makiramay at duwag na magalit sa kasamaan. Ang tunog ng kampana ay tawag na ihinto ang pagsang ayon sa patayan!

Ibalik natin ang pagiging tao. Ibalik natin ang dangal Pilipino. Ikampana ang dangal ng buhay! Ikampana ang karapatan ng mga pinapatay na mahihirap!

Mula Katedral ng San Juan Evangelista, Dagupan City, Agosto 20, 2017

+SOCRATES B. VILLEGAS
Arsobispo ng Lingayen Dagupan

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 10,424 total views

 10,424 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 18,524 total views

 18,524 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 36,491 total views

 36,491 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 65,808 total views

 65,808 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 86,385 total views

 86,385 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Pastoral Letter
Riza Mendoza

DON’T LEAVE GOD WHEN YOU VOTE

 22,120 total views

 22,120 total views Pastoral Message in the Archdiocese of Lingayen Dagupan for the 2019 Mid Term Elections Brothers and sisters in Christ in Lingayen Dagupan: All

Read More »
Pastoral Letter
Riza Mendoza

GOD IS LOVE

 22,033 total views

 22,033 total views Fatherly Message to the Youth and Children of the Archdiocese of Lingayen Dagupan My dear children of God in the Archdiocese of Lingayen

Read More »
Pastoral Letter
Riza Mendoza

HE IS INSANE. HE IS POSSESSED.

 22,013 total views

 22,013 total views Gospel Meditation for Sunday June 10, 2018 based on Mark 3:20 Jesus was thought to be insane by his relatives. They wanted to

Read More »
Pastoral Letter
Riza Mendoza

TURNING TO MARY IN OUR NEED

 22,013 total views

 22,013 total views Today is the feast of Mary Help of Christians. Mary the Helper is as old as the title Mary the Mother. This devotion

Read More »
Pastoral Letter
Riza Mendoza

FILIPINO CITIZENS AND CITIZENS OF HEAVEN

 22,005 total views

 22,005 total views Pastoral Moral Guidelines for Our Catholic Faithful in the Archdiocese of Lingayen Dagupan Dear brothers and sisters in Christ: For some time now,

Read More »
Pastoral Letter
Riza Mendoza

INVITATION TO START THE HEALING

 22,003 total views

 22,003 total views Our Catholic Bishops in the Philippines appealed for a season of mourning and prayers for the dead from September 23 until November 1

Read More »
Pastoral Letter
Riza Mendoza

LORD HEAL OUR LAND(cf. 2 Chronicles 7:14)

 22,020 total views

 22,020 total views Our brothers and sisters in Christ: Kian, Carl, Reynaldo…they were young boys, enjoying life, loving sons of parents who doted on them. Now

Read More »
Pastoral Letter
Riza Mendoza

CONSECRATE THEM IN THE TRUTH

 22,031 total views

 22,031 total views Brothers and sisters in Christ: A key dimension of Jesus’ mission was to preach the truth, and in His high priestly prayer, He

Read More »
Pastoral Letter
Riza Mendoza

AND GOD SAW THAT IT WAS GOOD…

 21,996 total views

 21,996 total views God saw all that he had made…and it was all very good! The Christian must nurture earth and care for creation, for so

Read More »
Pastoral Letter
Riza Mendoza

Prayer To Heal Our Land

 22,010 total views

 22,010 total views We turn to God in fervent prayer to heal our land. We beg the Lord to pour forth upon us the passion NOT

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top