Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

SHARE THE TRUTH

 72,438 total views

Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan kasi, ilang pasahero ang sinita matapos matuklasan sa x-ray na may bala ng baril sa kanilang bagahe. Isa ito sa mga bagay na ipinagbabawal sa mga bumibiyahe sa eroplano. 

Noong Marso, may tatlong insidente ng diumano’y tanim-bala, matapos itanggi ng mga pasahero na sinadya nilang magdala ng bala sa kanilang bitbit na bag. Ang una ay isang babaeng senior citizen na ayon sa kanyang pamangkin ay imposibleng maglagay ng bala sa kanyang bag. Nagtatrabaho daw sa immigration ang anak ng sinitang pasahero kaya alam daw niya ang mga ipinagbabawal dalhin. Ang sumunod na pangyayari ay kinasangkutan naman ng isang lalaking mangingibang-bansa para magtrabaho, pero iditene siya dahil may natuklasang apat na bala sa kanyang bag. Naniniwala ang pamilya ng pasahero na hindi sa kanilang kaanak ang kinumpiskang mga bala. Sangkot sa panghuling kaso ng sinasabing tanim-bala ang isang 72-taong gulang na babae. Nang dumaan ang kanyang bagahe sa x-ray, nakita ang isang balang nakalagay sa loob ng selyadong garapon ng bagoong. Ipinadala lang daw sa kanya ang bagoong at hindi niya alam na may bala palang kasama sa lalagyan.

Matatandaang nagsimula ang modus na ito bago ang eleksyon noong 2016. Ginamit itong isyu para palabasing inutil ang administrasyon noon ng namayapa nang si dating Pangulong Noynoy Aquino. Naging bala rin ito, ‘ika nga, ng mga pulitikong gustong iangat ang kanilang sarili at makuha ang boto ng publiko. Nang maupo sa puwesto si dating Pangulong Duterte, aba’y biglang tumigil ang mga balita tungkol sa tanim-bala. Iniutos lang daw niyang huwag nang pigilan sa pag-alis ang mga pasaherong may bala sa kanilang bagahe, bagay na nagpawala raw sa mga tauhan ng paliparang naglalaglag ng bala para umano huthutan ang mga mahuhuli. Ngayon, may mga nagsasabing pakana lang ng mga kontra sa administrasyon ang tanim-bala para palabasing walang silbi ito sa pagsugpo sa isang napakaliit na problema.

Mabilis na kumalat ang mga kuwento tungkol sa tanim-bala, salamat sa mga posts sa social media na mabilis pa sa apoy kung kumalat. Bagamat nanindigan ang DOTr na hindi nagbabalik ang modus na tanim-bala, hindi raw nito palalampasin ang mapatutunayang pang-aabuso ng mga tauhan ng iba’t ibang ahensya ng kagawaran na nakatalaga sa ating mga paliparan. Iniutos na rin ni Pangulong BBM na imbestigahan ang mga naitalang kaso ng diumano’y tanim-bala. Mananagot daw ang dapat managot.

Asahan nating sasakyan ng ilan ang isyu ng tanim-bala at ihahanay ito sa mga balitang nagpapatunay daw na tumitindi muli ang kriminalidad sa ating bansa. Nagbalikan daw ang mga adik at nagtutulak ng droga sa mga lansangan at komunidad. Kaliwa’t kanan na naman daw ang mga kaso ng panggagahasa at pagpatay. Lumakas daw muli ang loob ng mga magnanakaw at scammers. Sounds familiar ba, mga Kapanalig?

Mag-ingat tayo sa mga nababasa natin tungkol sa mga ganitong pangyayari, lalo na kung mula ang mga ito sa social media. Maliban sa lumilikha ang mga ito ng takot at pangamba, nagagamit din ito para sa paninira at pagkakalat ng fake news. Dapat lang na mabahala tayo sa mga modus na layong mambiktima ng mga inosente, pero maging mapanuri din tayo sa mga naririnig at nababasa natin dahil hindi imposibleng gawa-gawa lang din ang mga ito. Huwag tayong paloloko, paalala nga sa 1 Corinto 15:33.

Mga Kapanalig, tungkulin nating laging piliin, ipagtanggol, at panindigan ang totoo. Sa isyu ng tanim-bala, alamin muna ang totoo. Baka mabudol na naman tayo at maniwalang may malaking problema na naman tayong kinakaharap.

Sumainyo ang katotohanan.   

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 72,439 total views

 72,439 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 80,213 total views

 80,213 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 88,393 total views

 88,393 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 103,991 total views

 103,991 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 107,934 total views

 107,934 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ghost students

 80,214 total views

 80,214 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 88,394 total views

 88,394 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Big One

 103,992 total views

 103,992 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

ODD-EVEN scheme

 107,935 total views

 107,935 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kagutuman

 59,660 total views

 59,660 total views Hindi pa tapos ang unang quarter ng taong 2025., Tumaas pa lalo ang bilang ng mga Pilipinong nagugutom o kapos ang pagkain sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkakait ng kaarawan sa murang edad

 73,831 total views

 73,831 total views Mga Kapanalig, para sa grupong Child Rights Network (o CRN), masuwerte si dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil napakapagdiwang pa siya ng kanyang 80th

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang lupa ay para sa lahat

 77,620 total views

 77,620 total views Mga Kapanalig, nangako ang mga tumatakbong senador sa ilalim ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas—ang ticket ni Pangulong BBM—na ipápasá nila ang National

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hapis ng mga biktima

 84,509 total views

 84,509 total views Mga Kapanalig, ang Diyos ay hindi manhid sa tinig ng mga inaabuso’t inaapi. Dahil naririnig ng Diyos ang kanilang mga panaghoy, hinahamon Niya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Popular Beyond Reproach

 88,925 total views

 88,925 total views Kapanalig, nakakulong sa kasalukuyan ang kontrobersiyal na ika-16 na pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Roa Duterte o kilala sa tawag na “tatay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Impeachment Trial

 98,924 total views

 98,924 total views Tuloy ang impeachment trial laban kay Vice-President Sara Duterte.. Ito ay sa kabila ng pagkakakulong at kinakaharap na kasong crime against humanity ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Labanan ang structures of sin

 105,861 total views

 105,861 total views Mga Kapanalig, “bakit ako susuko?”  Ito ang pinakahuling pahayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng posibleng pag-aresto sa kanya ng International

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag palawakin ang agwat

 115,101 total views

 115,101 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sementeryo ng mga buháy

 148,549 total views

 148,549 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang education crisis?

 99,420 total views

 99,420 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sagot ang pag-unfriend

 104,903 total views

 104,903 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top