10,090 total views
Tiniyak ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) na bukas ang pamahalaan sa pakikipagtulungan sa simbahan upang mapangalgaan ang kapakanan, seguridad at kaligtasan ng mga mamamahayag.
Inihayag ito ni PTFoms Executive Director Jose Torres sa re-launching ng Media Security Vanguards (MSV) task force upang mapigilan ang mga paniniil at pagpatay sa mga mamamahayag sa Pilipinas.
Sinabi ni Torres na bukod sa Radio Veritas ay bukas ang MSV sa lahat ng Church media outlets upang mapangalagaan ang kapakanan ng media at hindi matatakot na ibalita ang katotohanan.
“Yes po we really welcome the support and- of the church media, not only Radio Veritas, Radio Veritas Asia I know we have the CBCP News, Union of Catholic Asian News, Licas News and all other media- Catholic Media Organizations I know that they are very supportive of the Task Force kaya thank you very much and we will be- Anytime you can invite us to Radio Veritas to amplify the Media Security Vanguards,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Torres.
2022 noong unang inilunsad ang MSV na may layuning protektahan at pangalagaan ang kaligtasan ng mga mamamahayag.
Sa mga datos ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization o UNESCO simula noong 1990 hanggang sa kasalukuyan ay umaabot na sa 1,700 ang bilang ng mga napapatay na mamamahayag sa buong mundo kung saan 150 ang mula sa Pilipinas.
Naunang inihayag kanyang Kabanalang Francisco ang suporta sa mga mamamahayag higit na sa kanilang paghahatid ng katotohanan sa publiko.
Mariing ding kinukundena ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang patuloy na pagpaslang sa mga mamamahayag sa bansa.