Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Sapilitang pagpapaalis sa mga katutubong Molbog, kinundena ng Obispo

SHARE THE TRUTH

 6,262 total views

Patuloy na nananawagan si Puerto Princesa, Palawan Bishop Socrates Mesiona ng katarungan at kapayapaan para sa mga katutubong Molbog na naninirahan sa Mariahangin Island, Barangay Bugsuk, Balabac.

Labis ang pag-aalala ni Bishop Mesiona sa kaligtasan ng mga residente dahil sa patuloy na tumataas na presensya ng mga armadong grupo sa isla.

Bagamat may alitan tungkol sa pag-aari ng lupa, binigyang-diin ng obispo na matagal nang naninirahan sa lugar ang mga katutubong Molbog at Cagayanen.

“It is important to acknowledge that the people of Mariahangin, primarily Molbogs and Cagayanens, have inhabited the area for a significant period. Many residents were born and raised there, and they consider it their true home,” pahayag ni Bishop Mesiona sa panayam ng Radyo Veritas.

Para kay Bishop Mesiona, hindi makatarungan at hindi makataong paalisin ang mga katutubo mula sa lupang matagal na nilang kinagisnan.

Muling apela ng obispo sa pamahalaan na mamagitan sa nangyayaring sigalot upang matiyak na napapangalagaan ang karapatan at kaligtasan ng mga katutubo.

“All they seek is to live peacefully and earn a livelihood on their ancestral land,” giit ni Bishop Mesiona.

Noong Biyernes, ika-4 ng Abril, sapilitang pumasok sa Sitio Mariahangin ang humigit-kumulang 80 armadong guwardiya, at nadagdagan pa ang bilang sa mga sumunod na araw, kaya’t lalong nabahala ang mga residente para sa kanilang kaligtasan.

Magugunita noong Hunyo 2024, iniulat na may mga lalaking naka-maskara ang nagpaputok malapit sa isang grupo ng mga lokal na residente na nagpapahayag ng matinding pagtutol sa itatayong resort.

Batay sa pagsusuri, ang 38-ektaryang isla ng Mariahangin ay inaangkin ng San Miguel Corporation para sa isang 25,000-ektaryang ecotourism project.(

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 77,667 total views

 77,667 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 85,442 total views

 85,442 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 93,622 total views

 93,622 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 109,188 total views

 109,188 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 113,131 total views

 113,131 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Health
Michael Añonuevo

Code white alert, ipinatupad ng DOH

 2,295 total views

 2,295 total views Ipinatupad ng Department of Health ang Code White Alert bilang bahagi ng paghahanda at babantay sa ligtas at malusog na paggunita ng Semana

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Jubilee walk of farmers, suportado ng CEAP

 3,671 total views

 3,671 total views Suportado ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang pakikipaglaban ng mga katutubo, mangingisda, at mga residente ng Mariahangin Island sa Bugsuk,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top