Libu-libong pamilya na apektado ng lindol, tinulungan ng Caritas Manila at Diocese of Marbel

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,562 total reads

Patuloy ang pagtugon ng Diocese of Marbel – Social Action Center (DSAC) sa mga pamilyang naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol sa Southern Mindanao noong June 8, sa pakikipagtulungan ng Caritas Manila at iba pang katuwang na organisasyon.

Ayon sa progress report ng Social Action Center, umabot na sa 1,104 na tahanan sa mga barangay ng Batulaki, San Jose, New Aklan, Batotuling, at Rio del Pilar sa bayan ng Glan, Sarangani ang nabigyan ng food assistance mula sa Caritas Manila, kabilang ang bigas at mga de-latang pagkain upang matugunan ang kanilang agarang pangangailangan matapos ang kalamidad.

Bukod dito, nakapamahagi rin ang Diocese of Marbel at mga apektadong parokya ng 28,044 food packs at shelter materials, habang nagsagawa rin ng psychosocial first aid para sa 280 bata sa Barangay Mig Margus, Glan, Sarangani.

“Caritas Manila has significantly enhanced that scope and effectiveness of the relief operations. Through its support, food aid, particularly rice and canned goods was extended to a total of 1,104 households, enabling them to address their immediate needs in the aftermath of the disaster,” ayon sa ulat ng Marbel DSAC.

Batay sa damage assessment, nananatiling sarado ang apat na parokya sa diyosesis dahil sa pinsalang dulot ng lindol, habang 265 Basic Ecclesial Community (BEC) chapels ang napinsala, kung saan 218 ang bahagyang nasira at 47 ang tuluyang nawasak.

Naitala rin sa ulat na umabot na sa 69 ang nasawi, 1,192 ang nasugatan, at walo ang nawawala, habang mahigit 376,000 pamilya sa Sarangani at General Santos City, bukod pa sa 8,929 indibidwal sa South Cotabato, ang naapektuhan ng lindol.

Umabot naman sa 79,132 bahay ang napinsala, kabilang ang 10,746 na tuluyang nawasak.

Patuloy na ipinapaalala ng Simbahan na ang pagkalinga sa mga biktima ng kalamidad ay kongkretong pagsasabuhay ng pag-ibig sa kapwa, kung saan ang pagtutulungan at malasakit ay nagbibigay ng pag-asa sa mga pamayanang nagsisikap makabangon mula sa sakuna.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 8,286 total reads

 8,286 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 47,874 total reads

 47,874 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 83,184 total reads

 83,184 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 309,453 total reads

 309,453 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 202,323 total reads

 202,323 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 152,275 total reads

 152,275 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top