Hindi gusali ang sukatan sa paglago ng simbahan-Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,643 total reads

Hindi lamang ang pagpapatayo ng mga gusali ang sukatan ng paglago ng Simbahan kundi ang pagiging higit na kawangis ni Kristo.

Ito ang binigyang-diin ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa paggunita ng Archdiocese of Capiz sa ika-75 anibersaryo nito bilang diyosesis at ika-50 anibersaryo bilang arkidiyosesis, kung saan hinikayat ng kardinal ang mga mananampalataya na ituon ang paglago ng Simbahan sa kabanalan, pakikiisa, at masigasig na pagmimisyon.

Ayon sa kardinal, ang tunay na paglago ng Simbahan ay hindi nasusukat sa dami ng imprastraktura o mga programa kundi sa malalim at matatag na pananampalataya ng mamamayan.

“Christian growth is not simply about having more buildings, more programs, or more organizations, but about becoming more like Christ. Christian growth means growing in holiness, in charity, in communion, in participation in the life of the Church, and in missionary zeal,” ayon kay Cardinal Advincula.

Paliwanag ng arsobispo na ang pagdiriwang ng hubileyo ay hindi lamang paggunita sa nakalipas na mga biyaya ng Diyos kundi panawagan upang lalo pang maging mabunga ang misyon ng Simbahan sa pagpapahayag ng Ebanghelyo.

Binigyang-diin ng kardinal na ang lahat ng tagumpay ng lokal na Simbahan ay bunga ng biyaya ng Diyos at hindi lamang ng kakayahan ng tao.

“Ang tanan nga yara sa aton, halin sa Ginoo. Indi ini bunga lamang sang aton kaugalingon nga kusog ukon kaalam. Kag kon gin-updan kita sang Ginoo sa nagligad nga mga tinuig, nagasalig kita nga padayon man Niya kita nga updan sa palaabuton nga panahon. Ang Iya grasya amo ang aton kabakod kag paglaom,” dagdag pa ng kardinal.

[Ang lahat ng mayroon tayo ay nagmumula sa Panginoon. Hindi ito bunga ng sarili nating lakas o karunungan. At kung ang Panginoon ay kasama natin sa mga nakalipas na taon, nagtitiwala tayong patuloy Siyang sasama sa atin sa hinaharap. Ang Kanyang biyaya ang ating lakas at pag-asa.]

Hinimok din ni Cardinal Advincula ang mga parokya, pamilya, kabataan at bawat mananampalataya na maging higit na masigasig sa pananampalataya at paglilingkod upang maipagpatuloy ang misyon ng Simbahan sa mga susunod na henerasyon.

Samantala, binigyang-diin naman ni Apostolic Nuncio to the Philippines, Archbishop Charles Brown, na ang pinakamahalagang hamon sa pagdiriwang ng hubileyo ay maisalin ang pananampalataya sa bagong henerasyon o mga kabataan na tinaguriang kasalukuyan at kinabukasan ng simbahan at lipunan.

“That’s the challenge of this Jubilee: to pass it on so that in 25 years this cathedral is as filled with joy as it is today,” ani Archbishop Brown.

Hinamon din ng kinatawan ng Santo Papa ang lokal na simbahan na higit pang pagtuunan ang ebanghelisasyon ng mga kabataan upang manatiling buhay at masigla ang pananampalatayang Katoliko sa mga darating na panahon.

“The Church has a beautiful option for the poor, but we also need to think about an option for the young. We need to evangelize the young so that in 25 years… this cathedral is as filled with joy, happiness, gratitude, and thanksgiving as it is this morning,” dagdag pa ng nuncio.

Ang Capiz ay naitatag bilang diyosesis noong 1951 nang mahiwalay ito sa Archdiocese of Jaro, na sumasaklaw sa mga lalawigan ng Capiz, Aklan, at Romblon.

Makalipas ang 25 taon, itinaas ito ni Pope St. Paul VI bilang arkidiyosesis noong 1976 at nagsisilbing suffragan dioceses nito ang Kalibo at Romblon.

Sa kasalukuyan ay ipinapastol ni Archbishop Victor Bendico ang arkidiyosesis na may halos isang milyong Katoliko.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 10,163 total reads

 10,163 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 49,674 total reads

 49,674 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 84,974 total reads

 84,974 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 311,243 total reads

 311,243 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 204,008 total reads

 204,008 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top