Banal na misa sa feast of St. Sharbel Makhlouf, pangungunahan ng Apostolic Nuncio to the Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,092 total reads

Ibinahagi ng Family of Saint Sharbel Philippines ang mga gawain para sa kapistahan ni San Sharbel Makhlouf sa July 24, na tampok ang pakikibahagi ng ilang pinuno ng Simbahang Katolika sa Pilipinas sa mga banal na misa at debosyon bilang paghahanda sa kapistahan ng kilalang “milagrosong monghe ng Lebanon.”

Isasagawa ang Misa nobenaryo mula July 15 hanggang 23, ganap na alas-6 ng gabi, sa Our Lady of the Assumption Parish sa Leveriza, Malate, Manila, kung saan kasalukuyang nakadambana ang relikya ng banal.

Bilang bahagi ng nobenaryo, pangungunahan ni Apostolic Nuncio to the Philippines, Archbishop Charles Brown, ang banal na misa sa July 19 ganap na alas-10 ng umaga.

Isasagawa rin sa July 22 ang Mass for the Sick with Blessing and Distribution of the Holy Oil of St. Sharbel sa alas-8 ng umaga, kung saan inaasahang dadalo ang maraming deboto upang ipagdasal ang kagalingan ng mga may karamdaman.

Sa araw ng kapistahan sa July 24, pangungunahan ni Cardinal Luis Antonio Tagle, Pro-Prefect ng Dicastery for Evangelization, ang Solemn Pilgrim Mass sa Manila Cathedral ganap na alas-9 ng umaga.

Susundan ito ng banal na misa sa alas-12 ng tanghali sa Our Lady of the Assumption Parish na pamumunuan ni Fr. Dave Concepcion, chaplain ng Sto. Niño de Paz Greenbelt Chapel.

Magkakaroon din ng Holy Hour at Kumpisal sa alas-3 ng hapon, bago ang pagtatapos ng pagdiriwang ng Fiesta Mass sa alas-6 ng gabi, na pangungunahan ni Balanga Bishop Rufino Sescon Jr.

Sa Pilipinas, patuloy na lumalawak ang debosyon sa santo, lalo na sa mga humihiling ng kagalingan, espirituwal na lakas at pag-asa.

Si San Sharbel Makhlouf ay isang paring Maronite mula sa Lebanon na isinilang noong 1828.

Inialay ang kanyang buhay sa panalangin, katahimikan, pag-aayuno, at paglilingkod sa Diyos bilang isang ermitanyo.

Pumanaw ang santo noong 1898, at kasunod ng kanyang pagpanaw ay maraming himala at kagalingan ang iniugnay sa kanya.

Idineklara siyang santo ni Pope St. Paul VI noong 1977.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 24,572 total reads

 24,572 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 109,948 total reads

 109,948 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 147,321 total reads

 147,321 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 178,580 total reads

 178,580 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 250,349 total reads

 250,349 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top