Aktibong pakikilahok ng mamamayan sa impeachment trial, panawagan ng House Prosecution panel

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,808 total reads

Hinimok ng legal spokesperson ng House Prosecution Panel ang publiko na masusing subaybayan ang nagpapatuloy na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte upang personal na masuri ang mga ebidensyang inihaharap ng magkabilang panig.

Sa panayam sa programang Veritas Pilipinas, sinabi ni Atty. Benjamin Tolosa na mahalaga ang aktibong pakikilahok ng mamamayan sa pag-unawa sa paglilitis sapagkat ang impeachment ay hindi lamang usaping legal kundi isang prosesong may mahalagang implikasyong pampulitika.

“Magmula po nung bago pa magsimula itong paglilitis na ito hanggang ngayon po na gumugulong na yung proseso lagi po talaga naming ipinapakiusap sa ating mga kababayan na sundan nila ng mabuti ang paglilitis na ito, pare-pareho po nating pakinggan at suriin nang mabuti ang lahat ng mga ebidensya na nilalatag ng magkabilang panig. Dahil naniniwala po kami na sa dulo ng paglilitis na ito, magiging importante po ang desisyon, pagpapasya, paghuhusga, at boses ng mga kababayan natin tungkol dito,” Bahagi ng pahayag ni Atty. Tolosa.

Ipinaliwanag ng abogado na sadyang inilagak ng Konstitusyon sa Senado ang kapangyarihang magsagawa ng impeachment trial sapagkat ang mga senador ang kumakatawan sa sambayanan.

Ayon kay Atty. Tolosa, inaasahang pagbabatayan ng mga senator-judges sa kanilang pagdedesisyon kaugnay sa impeachment ng bise presidente ang kanilang konsensya at ang ebidensyang iniharap sa paglilitis, kasabay ng pagsasaalang-alang sa kapakanan ng mga mamamayang kanilang kinakatawan.

“Ang purpose po niyan kung bakit ang mga tumatayong Senator-Judges ay itong mga Senador natin dahil supposedly they are the representatives of the people, so dapat kapag sila ay maghuhusga na either convict or acquit, papakinggan nila ang dictates of their conscience at kasabay nito ang boses ng mga taong kanilang kinakatawan,” Dagdag pa ni Atty. Tolosa.

Kaugnay naman ng usapin sa freedom of speech na naging bahagi ng mga argumento sa kasalukuyang paglilitis, nilinaw ni Atty. Tolosa na hindi ito isang ganap o walang limitasyong karapatan.

Paliwanag ng abogado ang hangganan ng freedom of speech ay nagtatapos kung may malabang ng karapatan ng ibang tao.

“Ang pinakamadaling maintindihan ng mga kababayan natin sa usapin ng Freedom of Speech ay hindi po absolute ‘yan. Natatapos po ang kalayaang ito kapag umaabot na sa puntong nalalabag na ang karapatan ng ibang tao, kaya hindi ito maaaring gawing pananggalang laban sa criminal liability,” paliwanag ni Tolosa.

Sa kasalukuyan patuloy ang pagdinig ng Senado sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte habang inaasahang ihaharap ng magkabilang panig ang kanilang mga testigo at karagdagang ebidensya sa mga susunod na araw ng paglilitis.

Samantala patuloy namang isinusulong ng Simbahang Katolika na ang mga nanunungkulan sa pamahalaan ay tinatawagang maging tapat na katiwala ng kapangyarihang ipinagkatiwala sa kanila ng taumbayan at pairalin ang katotohanan, katarungan, at paglilingkod sa bawat mamamayan bilang pundasyon ng tunay na kabutihang panlahat o ng common good.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 23,807 total reads

 23,807 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 109,233 total reads

 109,233 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 146,606 total reads

 146,606 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 177,865 total reads

 177,865 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 249,670 total reads

 249,670 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 33,177 total reads

 33,177 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top