Brown scapular ng Our Lady of Mount Carmel, hindi anting-anting

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,504 total reads

Nilinaw ng Parochial Vicar ng Our Lady of Mount Carmel Parish na ang Brown Scapular of Our Lady of Mount Carmel ay hindi dapat ituring na anting-anting kundi isang pagpapahayag ng pananampalataya at debosyon sa Mahal na Birheng Maria.

Sa panayam sa programang Barangay Simbayanan, sinabi ni Rev. Fr. Ronald “Jojo” Monis, Parochial Vicar ng parokya na matatagpuan sa Project 6, Quezon City na mahalagang maunawaan ng mga deboto ang tunay na kahulugan ng pagsusuot ng Brown Scapular of Our Lady of Mount Carmel.

“Yun ang dapat klaruhin sa atin at sa mga deboto. Hindi ito parang iti-treat natin bilang proteksyon o katulad ng mga anting-anting na pinaniniwalaan ng iba. Ito ay isang expression of our faith at expression din ng ating devotion sa ating Mahal na Ina, kaya hindi ito dapat tratuhing anting-anting,” Bahagi ng paliwanag ni Fr. Monis sa Radyo Veritas.

Kasabay ng paghahanda para sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Our Lady of Mount Carmel sa ika-16 ng Hulyo, 2026, ibinahagi rin ng Pari ang patuloy na pagsisikap ng parokya na mapalalim ang pakikilahok ng mga kabataan sa buhay ng Simbahan.

Ayon kay Fr. Monis, bagama’t hindi lahat ng kabataan ay kasapi ng Third Order of Carmelites, aktibo naman silang nakikibahagi sa iba’t ibang programa at ministeryo ng parokya, lalo na sa Sunday School.

Dagdag pa ng Pari, mahalagang mabigyan ng sapat na kaalaman sa pananampalataya ang mga kabataan lalo na sa gitna ng iba’t ibang hamon na kinakaharap ng Simbahan, upang manatiling matatag ang kanilang ugnayan kay Kristo at sa pamayanang Kristiyano.

“Ang challenge sa amin is to involve young people. Hindi man sila direktang bahagi ng Third Order, very active naman sila dito sa parokya. Nagpapasalamat ako kasi very active ang ating youth. Sila mismo ang tumutulong sa Sunday School sa ating 14 chapels matapos silang sumailalim sa formation bago magsimula ang taon ng pagtuturo,” Dagdag pa ni Fr. Monis.

Naniniwala rin si Fr. Monis na ang aktibong pakikilahok ng kabataan sa mga gawaing pang-parokya ay mabisang paraan upang mahubog sila bilang mga responsableng Kristiyano at susunod na henerasyon ng mga lingkod ng Simbahan.

Kasabay ng Kapistahan ng Our Lady of Mount Carmel sa ika-16 ng Hulyo, 2026 ay ang paggunita rin sa 65th Parish Fiesta ng parokya na may temang “Carmel @ 65: A Hearth of Prayer, A Home for the Faithful.”

Inaanyayahan ng parokya ang mga deboto na dalhin sa Mahal na Ina ng Karmelo ang kanilang mga panalangin, pangamba, at mga pasaning dinadala sa buhay, bilang Ina na patuloy na nagbibigay ng pag-asa at paggabay sa gitna ng mga pagsubok.

Bilang tampok sa pagdiriwang ng kapistahan, idaraos ang mga Pontifical Mass sa araw ng kapistahan, kung saan pangungunahan ni Cubao Bishop-Emeritus Honesto F. Ongtioco ang banal na misa sa ganap na alas-7:00 ng umaga, habang pangungunahan naman ni Cubao Bishop Elias L. Ayuban Jr., CMF ang misa sa ganap na alas-6:00 ng gabi.

Umaasa ang pamunuan ng Our Lady of Mount Carmel Parish na sa pamamagitan ng pagdiriwang ng kanilang ika-65 anibersaryo bilang pamayanang pananampalataya ay lalo pang mapatatag ang debosyon ng mga mananampalataya sa Mahal na Birhen at mapalalim ang kanilang ugnayan kay Hesukristo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 8,188 total reads

 8,188 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 47,776 total reads

 47,776 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 83,089 total reads

 83,089 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 309,358 total reads

 309,358 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 202,232 total reads

 202,232 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top