Pamahalaan, pinag-iingat ng PMPI sa bagong pamumuhunan ng CANADA

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,607 total reads

Nanawagan ang Philippine Misereor Partnership Inc. (PMPI) sa pamahalaan na tiyaking ang mga bagong pamumuhunan sa bansa, kabilang ang mga mula sa Canada, ay magsisilbi hindi lamang sa paglago ng ekonomiya kundi maging sa pangangalaga sa kalikasan, karapatang pantao, at kapakanan ng mga komunidad.

Ito ang binigyang-diin ng PMPI kasunod ng pahayag ng pamahalaan na bukas ang Pilipinas sa mas maraming negosyo at investment partnerships, kabilang ang pagmimina at mineral processing na itinuturing na may malaking potensyal sa paglago ng ekonomiya.

Ayon kay PMPI National Coordinator Yolanda Esguerra, may pananagutan ang pamahalaan na tiyaking ang mga kasunduang pang-ekonomiya ay hindi magdudulot ng pagkasira ng kalikasan at paglabag sa karapatan ng mga katutubo at lokal na komunidad kapalit ng panandaliang pakinabang.

“An architect who refuses to listen to the people who will use the building is bound to design one that eventually fails. Governance is no different. Foreign policy cannot be built around the preferences of a powerful few while those who bear the environmental and social costs are treated as afterthoughts,” pahayag ni Esguerra.

Binigyang-diin din ng organisasyon na napatunayan na sa mga nakalipas na malawakang proyekto ng pagmimina ang pagkakahati ng mga komunidad, pagkasira ng kalikasan, at paglabag sa karapatan ng mga katutubo at environmental defenders.

Iginiit din ng PMPI na ang tunay na pag-unlad ay hindi lamang nasusukat sa dami ng mga pamumuhunan o kasunduang nalalagdaan, kundi sa pangangalaga sa kalikasan, paggalang sa karapatan ng mga pamayanan, at kapakanan ng mga susunod na henerasyon.

Ayon kay Esguerra, dapat lamang tanggapin ng Pilipinas ang mga pamumuhunang lumilikha ng disenteng trabaho at tunay na nakatutulong sa pambansang kaunlaran nang hindi isinasakripisyo ang tao at kalikasan.

“As we pursue partnerships and investments, we must also ensure that they strengthen, rather than diminish, the ecosystems and communities upon which our nation’s future depends,” dagdag ni Esguerra.

Sa pananaw ng Simbahan, ang pag-unlad ay hindi dapat isulong sa kapinsalaan ng tao at kalikasan, kundi maging daan upang higit na mapangalagaan ang buhay, dignidad, at ang nag-iisang tahanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 8,235 total reads

 8,235 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 47,823 total reads

 47,823 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 83,135 total reads

 83,135 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 309,404 total reads

 309,404 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 202,277 total reads

 202,277 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 152,271 total reads

 152,271 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top