NBI Director Matibag, haharap sa Senate Impeachment Court sa July 20

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,932 total reads

Inilipat ng Senate Impeachment court sa July 20, 2026 ang pagharap ni National Bureau of Investigation o NBI Director Melvin Matibag bilang testigo sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Naunang humiling ang House prosecution na payagang mauna sa schedule si Matibag matapos niyang ipaalam na kailangan niyang dumalo sa isang regional summit tungkol sa scam center compounds at transnational organized crime sa Bangkok, Thailand sa July 21 at 22.

Tinutulan naman ito ng depensa dahil maaari anilang makaapekto sa kanilang paghahanda ang biglaang pagbabago sa pagkakasunod ng mga testigo.

Matapos ang pagtalakay ng mga senator-judge, iminungkahi ni Senate President Sherwin Gatchalian na sa July 20 na lamang humarap si Matibag upang mabigyan din ng sapat na panahon ang mga senador na pag-aralan ang mga ebidensya at ihanda ang kanilang mga katanungan.

“Pursuant to the discussion on the subpoena for NBI Director Melvin Matibag, and pursuant to the discussion with Senator-Judge Alan Cayetano and myself, and to give ample time to the senator-judges to study, to look at the pieces of evidence, as well as to propound their questions, may I propose to let him come to the Senate on Monday,” ayon kay Gatchalian.

Inaprubahan naman ni Senate President Pro Tempore at presiding officer ng impeachment court na si Senador Francis Escudero ang mosyon, ngunit nilinaw na kailangang matapos ang buong testimonya ni Matibag, kabilang ang cross-examination ng depensa.

Kung hindi matatapos ang pagtatanong sa July 20, ipagpapatuloy ito sa susunod na takdang araw ng paglilitis hanggang makumpleto ang proseso.

Inatasan na rin ng impeachment court ang pagpapalabas ng subpoena para kay Matibag na humarap sa Senado sa July 20, alas dos hapon

Inaasahang tatalakayin ng NBI chief ang imbestigasyon ng ahensya kaugnay ng mga pahayag ni Vice President Sara Duterte noong Nobyembre 2024, kung saan sinabi niyang mayroon siyang inatasang tao na kikilos laban kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez sakaling siya ay mapatay.

Kasama rin sa inaasahang ilalahad ni Matibag ang resulta ng imbestigasyon ng NBI at ang mga reklamong kriminal na nagmula sa naturang insidente.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 8,220 total reads

 8,220 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 47,808 total reads

 47,808 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 83,120 total reads

 83,120 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 309,389 total reads

 309,389 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 202,263 total reads

 202,263 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 7,379 total reads

 7,379 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top