Protect VIP, nanawagan ng katarungan sa pagpaslang kay Dr. Kent Carpenter

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,669 total reads

Nananawagan ng katarungan ang Protect Verde Island Passage (Protect VIP) campaign network sa pagpaslang sa kilalang American marine scientist na si Dr. Kent E. Carpenter, kasabay ng pakikiisa sa pagluluksa ng kanyang pamilya at ng buong marine conservation community.

Ayon sa Protect VIP, si Carpenter ang isa sa mga siyentistang nagbigay ng mahalagang ambag sa pagkilala sa Verde Island Passage (VIP) bilang “Center of the Center of Marine Shorefish Biodiversity,” na nagpatampok sa pandaigdigang kahalagahan ng yamang-dagat ng Pilipinas.

Binigyang-diin ni Protect VIP lead convenor Fr. Edwin Gariguez na inialay ni Carpenter ang malaking bahagi ng kanyang buhay upang maipakita sa buong mundo ang natatanging biodiversity ng Verde Island Passage at ang pangangailangang mapangalagaan ito.

“Dr. Kent Carpenter dedicated his life to revealing the extraordinary richness of the Verde Island Passage to the world. His work reminded us that the Philippines carries a global responsibility to protect this irreplaceable marine treasure,” pahayag ni Fr. Gariguez.

Ayon sa mga ulat, binaril at napaslang si Carpenter matapos pasukin ng tatlong armadong lalaki ang kanyang tahanan sa Negros Oriental, habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga kinauukulan upang matukoy ang motibo at mga responsable sa krimen.

Kasabay nito, hinimok ng Protect VIP ang mga kinauukulan na tiyakin ang masusing imbestigasyon sa insidente at palakasin ang proteksyon sa mga environmental defender, siyentista, at conservationists na nagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan at sa kapakanan ng mga pamayanan.

“At the same time, we stand anew in solidarity with the call for the protection of environmental defenders who dedicate their lives to science, conservation, and the protection of our common home and of vulnerable communities,” dagdag ni Fr. Gariguez.

Naging katuwang ni Carpenter ang mga Pilipinong mananaliksik, conservationists, at mga pamayanang baybayin mula pa noong dekada 1970.

Noong 2024, nakiisa rin siya sa kampanya ng Protect VIP na nananawagang kilalanin ang Verde Island Passage bilang national marine protected area at mahalagang likas na pamana ng bansa.

Muling iginiit ng Protect VIP na ipagpapatuloy nito ang adbokasiyang isinulong ni Carpenter upang mapangalagaan ang Verde Island Passage at iba pang mahahalagang biodiversity areas sa Pilipinas.

“As we mourn his passing, we reaffirm our commitment to the cause that Dr. Carpenter championed: protecting the Verde Island Passage and all of our country’s biodiverse ecosystems and all communities who defend and rely on them,” ayon sa Protect VIP.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 8,199 total reads

 8,199 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 47,787 total reads

 47,787 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 83,099 total reads

 83,099 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 309,368 total reads

 309,368 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 202,242 total reads

 202,242 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 152,269 total reads

 152,269 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top