Patuloy na pananakot sa mga katutubong Molbog, kinundena

SHARE THE TRUTH

 16,843 total views

Mariing kinokondena ng SAMBILOG – Balik Bugsuk Movement ang patuloy na pananakot ng JMV Security Services sa mga katutubong Molbog sa Sitio Mariahangin, Bugsuk, Palawan.

Ayon sa ulat, daan-daang armadong guwardiya ang sapilitang pumapasok sa pamayanan–isang malinaw na paglabag sa karapatang pantao at tangkang palayasin ang mga Molbog mula sa mga lupaing ninuno.

Mula Hunyo 29, 2024, nagsimula ang lumalalang tensyon sa gitna ng tahimik na pagpapaalis sa mga katutubo nang walang due process, na umabot sa insidente noong April 6 kung saan tinutukan ng baril ang dalawang kabataang Molbog at nagdulot ng matinding trauma.

Ayon sa katutubong Molbog na si Marilyn Pelayo, apektado na ang paghahanapbuhay sa komunidad dahil sa mga nararanasang pananakot at pagpapalayas ng mga armadong grupo.

“Hindi kami makapaghanapbuhay nang maayos sa takot, at syempre malaking epekto sa amin ito dahil hindi kami makapag-focus sa hanapbuhay. Ang dating mala-paraisong lugar namin ay napalitan ng takot at pangamba na baka kami ay palayasin sa mahal naming lupa at isla,” ayon kay Pelayo.

Sa kabila ng pananakot, naninindigan ang mga residenteng manatili sa mga lupaing ninuno at tanggihan ang anumang iniaalok na salapi o panunuhol, dahil para sa mga Molbog, ang lugar ay hindi lamang basta lupa kundi kanilang tahanan, pagkakakilanlan, at pamana.

Sa konteksto ng kasaysayan ng militarisasyon at corporate land grabbing mula pa noong Martial Law ng 1974, malinaw na patuloy ang mga paglabag sa Indigenous Peoples Rights Act (IPRA) sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Panawagan ni Pelayo sa pamahalaan na dinggin ang hinaing ng mga Molbog, at tulungang maligtas ang pamayanan at lupaing ninuno mula sa mapaminsalang hangarin ng pag-unlad.
“Wala nang pakialam halos ang pamahalaan sa maliliit na mamamayang katulad namin. Nananawagan kami sa lahat, pamahalaan, kapulisan, na sana matulungan kami. Huwag sana kayong magbingi-bingihan,” saad ni Pelayo.

Una nang nanawagan si Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona sa mga ahensya ng pamahalaan na mamagitan upang maiwasan ang anumang posibleng karahasan at mapangalagaan ang mamamayan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 7,284 total views

 7,284 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 39,948 total views

 39,948 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »

Pampersonal o pambayan?

 45,094 total views

 45,094 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 87,303 total views

 87,303 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 102,817 total views

 102,817 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Marian Pulgo

50-pesos na wage hike, binatikos

 1,719 total views

 1,719 total views Nilinaw ni Kamanggagawa Partylist Representative Elijah San Fernando na hindi dapat ikatwiran ang maliliit na negosyo upang hadlangan ang isinusulong na legislated wage

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top