Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 734 total views

Homiliya para sa Pang-anim na araw ng Simbang Gabi, Miyerkoles ng Pang-apat na Linggo ng Adbiyento, ika-21 ng Disyembre 2022, Luk 1:39-45

Maraming butas at puwang sa kuwento ni San Lukas, kaya kung mamarapatin ninyo, gusto sanang punuin ang mga puwang at basahin ang nasa pagitan ng mga linya sa kuwento niya.

Dumating ang malaking biyayang hinihintay ng mag-asawang Zacarias at Elisabet sa buhay nila, minsan isang araw. Pero imbes na galak, panglaw ang inihatid nito sa kanila. Ayon sa kuwento ni San Lukas, nagtago daw si Elisabet sa loob ng anim na buwan. Ibig sabihin, hindi na siya lumabas ng bahay mula nang malaman na nagdadalang-tao siya. Hindi na rin nakisali sa mga umpukan para makaiwas sa mga marites.

Hindi naman ang pagbubuntis niya ang ayaw niyang mapansin at mapag-usapan, kundi ang biglang pananahimik ng mister niya matapos na malaman na buntis siya. Paano niya ipapaliwanag ang mistulang pagkapipi ni Zacarias? Di ba sa normal na sitwasyon ang expected na reaksyon ng asawa ay ang maglululundag ito sa tuwa, at sabik na magbabalita sa mga kapitbahay at kamag-anak? Kung panglaw ang naging resulta ng balita at hindi pagsasaya, ano pa ang magiging kahulugan nito para sa mga marites? Ibig sabihin, hindi normal ang sitwasyon.

Basahin natin ang nasa isip ng mga marites. Bakit nga ba baligtad ang reaksyon ni Zacarias? Bakit ba parang may natuklasan na sikreto ang matanda na nagdala ng matinding pagkasindak sa kanya? Bakit ba napipi siya at hindi na kinakausap pati ang asawa niya?

May dramang nangyayari sa buhay ng pamilyang ito na walang pinagkaiba sa mga dramang kung minsan nangyayari din sa ating mga pamilya. Di ba sa gitna ng krisis, noon mo nga kailangan ng suporta? Mas matindi ang dating ng krisis kapag wala kang kasama, kapag wala kang mahingahan tungkol sa pinagdaraaanan mo, kapag wala kang mapagkatiwalaan.

Ang laki siguro ng pagtataka ni Maria pagdating niya sa bahay ng pinsan niya, matapos ang mahabang paglalakbay. Wala ang dating sigla sa dinatnan niyang tahanan. Dahil nagtatago si Elisabet, palagay ko hinalughog pa niya nang husto ang kabahayan para hanapin ang pinsan. Kinailangan niyang kumatok sa silid at tumawag dahil nakakandado ang pinto: “Ate…ate Beth…, si Bayang ito, ang pinsan mong taga-Nazareth. Narito ako para sa iyo; para alalayan kita sa panganganak. Pagbuksan mo ako.”

Ang boses ni Maria ang bumasag sa anim na buwan na pananahimik ni Elisabet. Ginising muna nito ang sanggol sa kanyang tiyan na sumipa para magising at matauhan naman si Elisabet, para tumayo at magbukas ng pinto. “Bayang! Kanino mo nalaman? Wala naman akong pinagsabihan. Halika, tuloy ka. Salamat sa Diyos narito ka. Hindi na ako nag-iisa.”

Sabi nila ang pinakamabilis makapansin sa pagbubuntis ng isang babae ay walang iba kundi ang kanyang kapwa babae na nagbuntis na. Ang inaasahan kong magsasabing “Mapalad ka sa babaeng lahat at mapalad din ang bata sa iyong sinapupunan” ay si Maria kay Elisabet. Pero lumabas ito sa bibig ni Elisabet bilang pagbati kay Maria. Ibig sabihin, kahit hindi pa nagkukuwentuhan ang magpinsan, ramdam na ni Elisabet na mayroon ding pinagdaraanan ang pinsan niya. Ganyan kung kumilos ang Espiritu Santo sa buhay natin, pinalalakas ang pakikiramdam natin. Sabi ni San Lukas “napuspos ng Espiritu Santo si Elisabet.”

Ito ang pinakapunto ng ating pagninilay: ang napupuspos ng Espiritu Santo ay tumatanggap ng biyayang siksik, liglig at umaapaw. Hindi mo masarili ang biyayang hatid ng Espiritu. Ang pagdating niya sa buhay natin ay katulad ng paglalarawan na ginagawa ni Solomon sa tungkol sa pagdalaw ng Diyos sa tao na katulad ng epekto ng pagdalaw ng mangingibig sa kanyang katipan. Inihahalintulad niya ito sa pagdating ng tagsibol matapos ang mahabang panahon ng taglamig. Naghahatid daw ng sigla at pananabik. Itinataboy ang kapanglawan, pinapalitan ito ng kagalakan.

Hindi si Hesus ang unang tagahatid ng Mabuting Balita kundi si Maria. At ang Mabuting Balitang dala niya ay ang mismong anak niya—ang Salitang nagkatawang-tao sa sinpupunan niya. Ang tumanggap ng mabuting balita ay naging tagahatid ng mabuting balita. Ang pinagpala ng Diyos ay naging tagahatid ng pagpapala.

Tulad ni Maria, tayong lahat na alagad ng Anak ng Diyos na dinala niya at patuloy na dinadala sa atin ay pinupuspos ng Espiritung siksik at liglig upang patuloy na umapaw ang biyaya sa buong mundo. Kahit totoong lahat tayo ay naghihintay na tumanggap ng pagpapala, hindi lubos ang ating pagiging alagad hangga’t hindi tayo nagiging tagahatid ng pagpapala sa kapwa tao at sa buong daigdig.

Sabi nga ng bantog na panalangin:

“Kung saan may hidwaan, ang maghatid ng pagkakasundo, kung saan may sakitan ang maghatid ng patawad, kung saan may pagdududa maghatid ng pananampalataya. “

Ang prinsipyo ng pagiging tagahatid ng mabuting balita ay simple lang:

“Ang dumamay kung ibig mong damayan ka; ang umunawa kung ibig mong unawain ka; ang magmahal kung ibig mong mahalin ka, ang magbigay kung ibig mong tumanggap ka, ang magpatawad kung ibig mong patawarin ka, ang mag-alay-buhay kung ibig mong magtamo ng buhay na walang hanggan.”

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kahalagahan ng fact-checking

 685 total views

 685 total views Mga Kapanalig, simula ngayong buwan, ititigil na raw ng social media app na Facebook ang kanilang third-party fact-checking program sa Amerika. Ito ang inanunsyo ni Mark Zuckerberg, founder ng Facebook at CEO ng Meta Platforms. Dámay din sa pagbabagong ito ang Instagram at Threads, mga social media apps na hawak din ng Meta.

Read More »

Pandaigdigang kapayapaan

 7,635 total views

 7,635 total views Mga Kapanalig, naniniwala ba kayo sa paniniwalang “lahat ay nadadaan sa mabuting usapan”? Totoong mahalaga ang pag-uusap sa pagkakaroon ng unawaan, pagkakaisa, at kapayapaan, hindi lang sa ugnayan ng mga indibidwal kundi pati ng mga bansa. Noong Enero 11, tinipon ni Pangulong Marcos Jr ang buong diplomatic corps na binubuo ng mga kinatawan

Read More »

Diabolical Proposal

 18,550 total views

 18,550 total views Kapanalig, isa ka ba sa mga sinasabing “over protective, over-imposing parent”? Bilang magulang, ang salita mo ba ay batas na dapat sundin ng iyong mga anak maging ito ay hindi na tama? Well, may nakakatawang solusyon at kasagutan ang Senado sa mga magulang na sobra-sobra at wagas ang higpit.., pakiki-alam sa buhay ng

Read More »

Pagsasayang Ng Pera

 26,286 total views

 26,286 total views Pagwawaldas sa pera ng taong bayan.. dahil sa isang pagkakamali. Kapanalig, 73-milyong balota para sa May 2025 national at local elections ang nasayang…nasayang ang pagod at oras. naimprenta na… mauuwi lamang sa basurahan. Ito ay matapos suspendihin ng Commission on Elections (COMELEC) ang pag-imprenta ng opisyal na balota para sa May 2025 mid-term

Read More »

Education Crisis

 33,773 total views

 33,773 total views Kapanalig, nasa krisis ang edukasyon sa ating bayan. Napakarami ang mga hamon na kailangang harapin sa sektor. Napakatagal ng isyu ito, ang patuloy na pagpapabaya sa problemang kinakaharap ng sektor ng edukasyon ay lalong nagpapahirap sa mga maralita. Ito ay nagpapakita ng ating pagkukulang sa lipunan. Bilang mga magulang.. pangarap at obligasyon mo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

LIKAS NA TALINO

 1,418 total views

 1,418 total views Linggo ng Santo Niño, 18 Enero 2025, Lk 2:41-52 Para sa episode na ito ng Santo Niño Sunday, susubukan nating maintindihan ang natural na proseso ng pag-alam ng likas na talino ng tao at pagsusumikap natin na matuto upang humantong sa pag-unawa. Tingnan ninyo, kahit ang Anak ng Diyos ay nagbigay-daan upang matuto

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

HARD TO ENTER INTO HEAVEN?

 3,558 total views

 3,558 total views Homily for Friday of the 1st Week in Ordinary Time, 17 January 2025, Mt 19:16-26 I used to react to this saying about it being so hard to enter the kingdom of heaven. Until I realized that it would be easier to get the sense of what Jesus is saying by inverting the

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAGKAMULAT

 1,106 total views

 1,106 total views Homiliya para sa Kapistahan ng Pagkakabinyag ng Panginoon, 12 Enero 2025, Lk. 3:15-16,21-22 Hindi si Juan Bautista ang nagbinyag kay Hesus kundi ang Espiritu Santo. Naging okasyon lang ang paglulublob na ginawa ni Juan sa kanya para sa pagbaba ng Espiritu Santo. Ang Espiritu ang pumukaw sa kalooban niya at nagbigay sa kanya

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PRAYER AND SOLITUDE

 1,107 total views

 1,107 total views Homily for Friday after Epiphany, 10 Jan 2025, Lk 5:12-16 On two counts, the leper in the Gospel violated the Law of Moses. Firstly, he was not supposed to stay inside a town if he was afflicted by the disease of leprosy. He was supposed to isolate himself by staying in a cave

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

EFFECTS OF PRAYER

 2,232 total views

 2,232 total views Homily for Wednesday after Epiphany, 08 Jan 2025, Mk 6, 45-52 They had just fed 5,000 people. St. Mark tells us Jesus instructed his disciples to serve them in groups of 50 to 100. Even with 100 per group, he would still have needed at least 50 volunteers to do the serving. They

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TEACHING WHILE FEEDING

 3,542 total views

 3,542 total views Homily for Tues after Epiphany, 07 Jan 2025, Mk 6:34-44 Because we are familiar with a two-part Liturgy at Mass that distinguishes between the first part, which we call the Liturgy of the Word and the second part, which we call the Liturgy of the Eucharist, we tend to project it on this

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TATLONG REGALO

 1,107 total views

 1,107 total views Homiliya para sa Kapistahan ng Epifania o Pagpapakita ng Panginoon sa mga Bansa, Enero 4, 2025, Mt 2:1-12 May nabasa akong isang feministang cartoon strip tungkol sa pagdalaw ng tatlong Pantas na lalaki “Ano daw kaya ang nangyari kung imbes na mga lalaki ay mga babae ang tatlong Pantas na bumisita sa Sagrada

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE PARABLE OF THE DONKEY

 2,506 total views

 2,506 total views Homily for Thursday before Epiphany, Jn 1:19-28 Today’s readings remind me of the parable of the donkey who thought he was the Messiah when he entered Jerusalem. That was because he was met by crowds of people who were waving their palm branches at him. Some of them were even laying their cloaks

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

INA NG PAGASA

 4,822 total views

 4,822 total views Solemnidad ni Mariang Ina ng Diyos, Bagong Taon 2025, Lk 2:16-21 Sa aklat ng Eksodo may isang eksena kung saan naglalambing si Moises sa Diyos. Sabi niya sa Panginoon: kung talagang matalik na kaibigan ang turing mo sa akin, sana ipakita mo sa akin ang iyong mukha. Sagot daw ng Diyos, “Di mo

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KEEP THE FIRE BURNING

 2,509 total views

 2,509 total views Homily for the Episcopal Ordination of Bishop Euginius Cañete, 28 Dec 2024, Matthew 2: 13-18 Dear brothers and sisters in Christ. We are still in the season of Christmas, so let me begin by greeting you a Merry Christmas. What a joy it is to preside at this Eucharist in the company of

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGPATULÓY

 13,342 total views

 13,342 total views Homiliya para sa Pasko 2024, Lk 2:1-14 Minsan kahit mga batikang lector at commentator sa simbahan nagkakamali din ng bigkas sa ibang mga Tagalog na salita depende sa diin. Halimbawa, matapos itaas ng pari ang Ostia at sabihing, “Ito ang Kordero ng Diyos, ito ang nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan…”. Sasagot ang

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

LANDAS NG KAPAYAPAAN

 8,920 total views

 8,920 total views Homiliya para sa Huling Simbang Gabi, 24 Dis 2024, Lk 1:67-79 Parang orakulo ng propeta ang narinig nating awit ni Zacarias sa ating ebanghelyo para sa huling simbang gabi: “Sapagkat lubhang mahabagin ang ating Diyos, magbubukang-liwayway sa atin ang araw ng kaligtasan upang magbigay-liwanag sa mga nasa kadiliman at nasa lilim ng kamatayan,

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUMALIKID

 3,832 total views

 3,832 total views Homiliya para sa Pampitong Simbang Gabi, ikaapat na Linggo ng Adbiyento, 22 Disyembre 2024, Lk 1: 39-45 Ang Salmong Tugunan ang pinagbatayan ko ng pagninilay ngayong umaga. Pero hindi ako kuntento sa Tagalog translation. Sa literal na Ingles ganito ang sinasabi: “Lord make us turn to you; let us see your face and

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NARITO PO AKO!

 9,444 total views

 9,444 total views Homiliya Para sa Panlimang Simbang Gabi, 20 Dis 2024, Lk 1:26-38 Pag nagtaas ka ng kamay para magvolunteer sa isang gawain na hindi mo muna inalam kung ano, at di ka na makaatras matapos na malaman mo kung ano ito dahil naka-oo ka na, mayroon tayong tawag sa Tagalog sa ganyan klaseng sitwasyon:

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUHAY NA MABUNGA

 4,235 total views

 4,235 total views Homiliya Para sa Pang-apat na Simbang Gabi, 19 Dis 2024, Lk 1:5-25 Ramdam ko ang pagkainis sa tono ng salita ni anghel Gabriel sa kuwento ng ating ebanghelyo sa araw na ito. Ang trabaho lang naman niya ay magdala ng mabuting balita. Kadalasan ang mahirap ay ang magdala ng masamang balita. Kung ikaw

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top