Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 192,230 total reads

Mga Kapanalig, maaaring magkaroon ng hanggang 105 araw na paid paternity leave ang mga tatay kapag maging batas ang House Bill No. 9891 o Paternity and Parental Leave Act (o PAPA Leave Act) na inihain ni Akbayan Party-list Representative Chel Diokno. 

Ayon kay Diokno, ang PAPA Leave Act ay makatutulong sa pagsusulong ng gender equality, pagpapabuti ng kapakanan ng mga bata at pamilya, at pagpapalakas ng partisipasyon ng mga babae sa labor force. Idinagdag pa niya na hindi lamang responsabilidad ng kababaihan ang childcare, kundi isang pinagsasaluhang tungkulin ng mga magulang na dapat aktibong suportahan ng estado. 

Sa ilalim ng panukala, magkakaroon ng 90 tuloy-tuloy na araw ng paid paternity leave para sa mga mister na ang misis ay nanganak, habang 60 araw naman para sa mga mister na ang misis ay nakunan o sumailalim sa emergency termination of pregnancy. Magkakaroon din ng karagdagang 15 araw na paid parental leave na maaaring gamitin ni mister sa loob ng isang taon mula sa panganganak, nang tuluy-tuloy o hati-hati, kaya’t maaaring umabot sa kabuuang 105 araw ang kanyang leave. Ipinagbabawal din ng panukala ang dismissal, demotion, o anumang uri ng diskriminasyon laban sa mga empleyadong tatay na gagamit ng benepisyong ito. 

Hindi lamang mga ikinasal na ama ang saklaw ng panukalang batas. Kasama ring makikinabang ang mga tatay na hindi pa ikinakasal at iba pang alternative caregivers na may mahalagang papel sa pag-aalaga ng mga bagong silang na sanggol at maliliit na bata. 

Malaki ang kaibahan ng panukalang PAPA Leave Act sa kasalukuyang batas. Sa ilalim ng Paternity Leave Act of 1996, pitong araw lamang ng paid leave ang maaaring makuha ng isang married male employee para sa unang apat na panganganak ng kanyang asawa. Maaari itong umabot sa 14 na araw kung ililipat ng ina ang pitong araw mula sa kanyang maternity leave sa ilalim ng Expanded Maternity Leave Law. 

Kung maisasabatas ang PAPA Leave Act, maituturing itong tagumpay para sa buong pamilyang Pilipino. Ayon sa mga pag-aaral, nakatutulong ang paternity leave sa mas mabuting paglaki ng bata at mas matatag na pagsasama ng mag-asawa. Higit sa lahat, isinusulong nito ang gender equality. Kapag mas aktibong nakikibahagi ang mga tatay sa pag-aalaga ng anak, nababawasan ang pananaw na ang pag-aalaga ng mga bata ay trabaho lamang ng mga babae. Kung may paid leave ang mga tatay, nagkakaroon ng mas malaking pagkakataon ang mga nanay na makabalik sa trabaho at maipagpatuloy ang kanilang karera. 

Kinikilala na sa ibang mga bansa ang kahalagahan ng paternity leave. Sa Lithuania, halimbawa, may 30 araw na paid paternity leave ang mga tatay bukod pa sa hanggang 36 na buwang shared parental leave. Sa Japan naman, maaaring umabot sa isang taon ang paid parental leave na eksklusibo para sa mga tatay. Ipinakikita ng mga bansang ito na ang presensya ng ama sa pagpapalaki ng anak ay isang mahalagang pamumuhunan sa kapakanan ng pamilya at lipunan.

Ipinapaalala ng Simbahan na ang pamilya ay sagrado: dito tunay na naipapanganak at napangangalagaan ang buhay. Ang mga batas na nagbibigay ng sapat na panahon sa mga magulang upang gampanan ang kanilang tungkulin ay nagtataguyod ng dignidad ng tao at nagpapatatag sa pamilya. 

Mga Kapanalig, ang pag-aalaga sa isang bata ay hindi lamang responsabilidad ng nanay; ito ay tungkulin na dapat pinaghahatian ng parehong magulang. Ayon sa Mga Awit 127:3, “ang mga anak ay pagpapala at gantimpalang mula sa Panginoon.” Kaya naman, makatarungan na bigyan din ang mga tatay at ang mga tumatayong tatay ng sapat na panahon upang makasama ang kanilang mag-ina at makatulong sa pag-aaruga sa kanilang anak.

Sumainyo ang katotohanan.

 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 54,388 total reads

 54,388 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 87,826 total reads

 87,826 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 189,652 total reads

 189,652 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 230,209 total reads

 230,209 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 248,513 total reads

 248,513 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

DOUBLE CRISIS

 54,389 total reads

 54,389 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 87,827 total reads

 87,827 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 189,653 total reads

 189,653 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 230,210 total reads

 230,210 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »
Scroll to Top