Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 191,557 total reads

Si LT. General Nicolas Deloso Torre III, siya yung sinibak na ika-31 Philippine National Police Chief (PNP Chief). 85-araw lamang nanunungkulan bilang hepe ng pambansang pulisya si General Torre, pinakamaiksi sa kasaysayan ng PNP.

Kapanalig, si General Torre lamang daw ang masasabing matino sa mga opisyal ng administrasyon ng Pangulong Marcos Jr. na pinuri pa nito sa kanyang SONA na boxing champion. Tinalo ni Torre by default si acting Davao City Mayor Sebastian Duterte. Sumikat ang tinanggal na PNP Chief dahil sa mga high-profile na kaso at pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte na nahaharap sa kasong “crime against humanity” sa International Criminal Court, sa The Hague, Netherland.

Sa kasalukuyang administrasyon at kalagayang pulitika sa Pilipinas kahit hindi ka matinong opisyal, huwag na huwag ka lang makakaapak ng may mga malalakas ang padrino, OK ka magagalaw sa puwesto.

Paano ba naman hindi masisibak si Torre? Nire-assigned niya na Area Police Commander for Western Mindanao ang no.2-man sa PNP na si Gen. Nartatez. Ang opisyal na ipinatapon ni Torre sa Mindanao ang siya namang pumalit sa kanya na bagong PNP Chief.

Kapanalig, si Gen. Nartatez pala ay hindi lang malakas sa NAPOLCOM, manok ito ng DILG secretary at Justice secretary na nangangarap maging Ombudsman. Paano ba naman hindi sisibakin ni PBBM si Torre, malaki ang ambag mag-ama sa panalo ng pangulo sa lalawigan ng Cavite sa nakalipas na Presidential election. Wala talagang laban si Torre sa malaking utang na loob.

Hindi daw sumunod si Torre sa kautusan ng NAPOLCOM, pero malinaw sa Republic Act No. 6975 at RA 8551 na namamahala sa PNP na hindi maaaring baligtarin ng komisyon ang mga paggalaw ng tauhan na ginawa ng PNP chief. Sa pagre-shuffle ng PNP officers, ang PNP Chief lamang ang may mandato nito., hindi ang NAPOLCOM maging ang DILG.

Ang kasalanan lamang ni Torre ay kinanti niya ang “golden boy” ng pamilyang Nepotismo sa Cavite. Dahil sa palakasan at bata-bata system, hindi na umuunlad ang Pilipinas, mangilan-ngilan na lamang ang mga opisyal sa pamahalaan na walang bahid.

Kapanalig, dahil walang bangis at padrino si Torre na kauna-unahang PNPA graduate at hindi PMA graduate na nahirang na PNP Chief sa kasaysayan, nasibak ito sa puwesto., nag-on-leave na lamang ito at nanahimik. Meron namang pampalubag-loob kay Torre, inalok naman pala ng posisyon sa gobyerno!

Kung ikaw si Torre Kapanalig, tatanggapin mo pa ba ang alok ng presidente ng Pilipinas? Kung wala kang delicadeza, baka maaari.

Pero sa gitna ng napakaduming pulitika, hinimok ng namayapang Pope Francis tayong mga katoliko, ayon sa kanya, “Catholics must get involved in politics even if it may be “dirty,” frustrating and fraught with failure. Given today’s “throwaway” culture and so many problems unfolding in the world, “Do I as a Catholic watch from my balcony? No, you can’t watch from the balcony. Get right in there!”

Ipinapayo din ng Romans 13:1 na “Let everyone be subject to the governing authorities, for there is no authority except that which God has established. The authorities that exist have been established by God.”

Sumainyo ang katotohanan.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 5,714 total reads

 5,714 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE POSTPONEMENT

 17,365 total reads

 17,365 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 122,149 total reads

 122,149 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 162,707 total reads

 162,707 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 183,161 total reads

 183,161 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 231,285 total reads

 231,285 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BSKE POSTPONEMENT

 17,367 total reads

 17,367 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 122,151 total reads

 122,151 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 162,709 total reads

 162,709 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 183,163 total reads

 183,163 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »
Scroll to Top