60,180 total views
Ang Republic Act (RA)10845 ay nire-repeal ang RA 12022 o Anti Agricultural Sabotage Act.
Kapanalig, bago ma-repeal ang RA 12022 ng RA 10845 may naparusahan na ba sa mga lumabag sa batas na mga cartel at smugglers ng agricultural at fisheries products? Marami na tayong batas laban sa mga rice cartels at profiteering, bakit wala pa ring napaparusahan at nakukulong?
Kahit nakahuli ng mga smuggler, hindi ito iniuulat sa publiko, hindi ini-exposed, bina-blacklist lamang daw.. Ibig sabihin ba nito, hindi ipinapatupad ng maayos ang batas?
Dahil hindi nakukulong at napaparusahan, patuloy ang mga rice cartel at smugglers sa pagmamanipula sa presyo ng bigas, palay at agricultural goods sa merkado.
Sa ilalim ng batas, non-biable offense o walang piyansa sa smuggling, hoarding, profiteering at cartel operations.. At ang mga nagkasala sa batas ay mapaparusahan ng habang buhay na pagkabilanggo at pagmumultahin ng (five times) sa halaga ng agricultural goods na nasabat…Pero, hindi pa rin kinakatatakuhan ang batas.. nakakapagtaka di ba Kapanalig? Meron bang nagaganap na sabwatan sa pagitan ng mga opisyal ng pamahalaan at smugglers?
Noong January 20,2025, tumaas sa 58-pesos kada kilo ang presyo ng imported na bigas sa kabila ng tariff cut bunsod ng Rice Tarification law at pagbaba ng pandaigdigang presyo nito. Ang sagot ng Department of Agriculture na sinuportahan ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., magdeklara ng national food security emergency. Ito ang paraan ng DA upang mailabas at maibenta sa merkado ang 300-metriko toneladang bigas na inaamag sa mga warehouses ng National Food Authority sa iba’t-ibang panig ng bansa.
Kapanalig, ang deklarasyon ng national food security emergency ay temporaryong tugon lamang sa problema.. Kaya tumataas ang presyo ng bigas sa mga pamilihan na umaabot ng 60-pesos kada kilo ay dahil sa rice smuggling at rice cartels na kumokontrol sa halaga nito sa merkado..Idagdag pa natin Kapanalig ang mga naglipanang “middlemen”.
Covered ng AAESA law ang mga produktong bigas, corn, beef, pork, poultry,garlic,unions,carrots,iba pang gulay..fruits,fish, salt at iba pang aquatic products na nasa raw state pa.
Iginigiit ni Pope Francis na “no one is the absolute owner of goods: He is a stewards of goods”.
Sinasabi naman sa “The Social Doctrine of the Church” na ang kayamanan ng mundo ay para sa sangkatauhan. “In the beginning God entrusted the earth and its resources to the common stewardship of mankind to take care of them, master them by labor, and enjoy their fruits. The goods of creation are destined for the whole human race” (n. 2402). Moreover: “The universal destination of goods remains primordial, even if the promotion of the common good requires respect for the right to private property and its exercise” (n. 2403).
Sumainyo ang Katotohanan.