Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Araw-araw “Araw ng mga Ina”

SHARE THE TRUTH

 5,171 total views

Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-16 ng Hunyo, 2024

Larawan kuha ng may-akda, Our Lady of Fatima University-Sta. Rosa, Laguna, 2023.
Mula pa man noong una
pinuna ko na pagdiriwang 
ng araw ng mga ina
at araw ng mga ama
dahil sa katawa-tawang
pagbati nila:
"Happy Mother's Day" sa lahat ng Ina!
"Happy Father's Day" sa lahat ng Ama!
Kanino pa nga ba
araw ng mga Ina kungdi
sa mga nanay at ang araw
ng mga Ama kungdi sa mga tatay?
Kaya hindi ko mapigilang matawa
sa tila dispalenghagang turing nila
na mother's day sa mga Ina 
at father's day sa mga Ama:
e para kanino pa nga ba mga
araw na iyon?
Nguni't sadyang mapagbiro
itong tadhana 
nang aming ihatid si ina 
sa kanyang himlayan noong 
Sabado, kinabukasa'y
ikatlong Linggo ng Mayo,
Araw ng mga Ina;
hindi na ako natawa
bagkus naiyak nang makita
sa social media napakaraming 
pagbati sa kani-kanilang ina
ng Happy Mother's Day;
noon ko higit nadama
sakit ng pagiging ulila sa ina,
kalungkutan ng pangungulila 
sa nanay na hindi na makikita,
mahahagkan at mayayakap
palaging tanong kung ako'y kumain na?
Larawan kuha ng may-akda sa Benguet, 2023.
Tinakda ang Araw ng mga Ina
tuwing ikatlong Linggo ng Mayo
upang parangalan
kadakilaan nila
ngunit kung tutuusin
araw-araw
 ay Araw ng mga Ina
dahil wala nang hihigit pa
sa pag-ibig nila sa atin
katulad ni Jesus
sarili'y sinaid at binuhos
matiyak ating kaligtasan,
kapayapaan
at katiwasayan;
hindi sasapat
 isang araw ng Linggo
taun-taon
 upang mga ina ay pagpugayan,
parangalan at pasalamatan
dahil sa bawat araw ng kanilang
buhay, sarili kanilang iniaalay;
batid ng mga nanay 
lilipas kanilang buhay
maigsi lamang kanilang panahon
kapos buong maghapon
walang sinasayang na pagkakataon
pipilitin pamilya ay makaahon
sa lahat ng  paghamon.
May kasabihan mga Hudyo 
nilikha daw ng Diyos ang mga ina 
upang makapanatili Siya sa lahat
ng lunan at pagkakataon;
hindi ba gayon nga kung saan
naroon ang nanay, mayroong buhay
at pagmamahal, kaayusan at kagandahan
kaya naman sa Matandang Tipan
matatagpuan paglalarawan 
sa Diyos katulad ng isang ina:
"malilimutan ba ng ina
ang anak na galing sa kanya,
sanngol sa kanyang sinapupunan
kailanma'y di niya pababayaan;
nguni't kahit na malimutan
ng ina ang anak niyang tangan,
hindi kita malilimutan"; iyan ang 
katotohanan ng Diyos at mga ina 
mapanghahawakan
hanggang kamatayan.
Photo by Pixabay on Pexels.com
[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pekeng sakripisyo

 4,827 total views

 4,827 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 13,143 total views

 13,143 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 31,875 total views

 31,875 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 48,405 total views

 48,405 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Trend

 49,669 total views

 49,669 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Lent is encountering Jesus

 9,888 total views

 9,888 total views 40 Shades of Lent by Fr. Nicanor F. Lalog II Fifth Sunday in Lent, Cycle C, 06 April 2025 Isaiah 43:16-21 + Philippians

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Our golden calf

 10,769 total views

 10,769 total views 40 Shades of Lent by Fr. Nicanor F. Lalog II Thursday, Fourth Week in Lent, 03 April 2025 Exodus 32:7-14 + + +

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Lent is returning from exile

 10,862 total views

 10,862 total views 40 Shades of Lent by Fr. Nicanor F. Lalog II Wednesday, Fourth Week in Lent, 02 April 2025 Isaiah 49:8-15 + + +

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Lent is water

 10,991 total views

 10,991 total views 40 Shades of Lent by Fr. Nicanor F. Lalog II Tuesday, Fourth Week in Lent, 01 April 2025 Ezekiel 47:1-9, 12 + +

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Lent is new beginning

 11,209 total views

 11,209 total views 40 Shades of Lent by Fr. Nicanor F. Lalog II Monday, Fourth Week in Lent, 31 March 2025 Isaiah 65:17-21 + + +

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Mystery of God, mystery of sin

 11,300 total views

 11,300 total views 40 Shades of Lent by Fr. Nicanor F. Lalog II Fourth Sunday in Lent (Laetare Sunday), 30 March 2025 Joshua 5:9, 10-12 ++

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Lent is listening, walking

 13,935 total views

 13,935 total views 40 Shades of Lent by Fr. Nicanor F. Lalog II Thursday, Third Week in Lent, 27 March 2025 Jeremiah 7:23-28 + + +

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Lent is not forgetting God

 14,559 total views

 14,559 total views 40 Shades of Lent by Fr. Nicanor F. Lalog II Wednesday, Third Week in Lent, 26 March 2025 Deuteronomy 4:1, 5-9 + +

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Lent is asking God “how”?

 14,827 total views

 14,827 total views 40 Shades of Lent by Fr. Nicanor F. Lalog II Solemnity of the Annunciation of the Lord, 25 March 2025 Isaiah 7:10-14;8:10 +

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Windows to past & to future

 15,281 total views

 15,281 total views Quiet Storm by Fr. Nicanor F. Lalog II, 24 March 2025 Some people have been asking me how does it feel to be sigisty years

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Lent is loving like God

 15,192 total views

 15,192 total views 40 Shades of Lent by Fr. Nicanor F. Lalog II Third Week in Lent, Cycle C, 23 March 2025 Exodus 3:1-8, 13-15 +

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Sigisty years old

 15,277 total views

 15,277 total views Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-22 ng Marso 2025 Larawan ng una kong birthday, sigisty years ago; nakaalalay sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top