Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Arch. of Cebu, may programa sa drug surrenderees

SHARE THE TRUTH

 426 total views

Nakikipagtulungan na ang Archdiocese of Cebu sa pamahalaan sa usapin ng pagtulong sa mga sumukong drug users sa bansa upang makapagbagong buhay.

Ayon kay Fr. Carmelo Diola ng Dilaab Foundation, sa pakikipagtulangan sa kanila ng local government units gaya ng mga barangay, ipatutupad nila ang community-based drug services system upang matulungan ang nasa 600,000 drug surrenderees.

Pahayag pa ng pari, base sa kanilang datus na nakalap, tinatayang nasa 3 milyon ang drug addict sa bansa kung saan 2.9 milyon dito ay nangangailangan ng rehabilitasyon na hindi kaya ng 45 rehabilitation centers sa bansa.

Sinabi ni Fr. Diola, dahil dito, kinakailangan ang community-level reintegration program sa tulong halimbawa ng support group na Narcotics Anonymous (NA), sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan, civil society groups at ng Simbahan sa pamamagitan ng Ugnayan ng Barangay at Simbahan (UBAS).

Ayon kay Fr. Diola, karamihan sa dahilan ng mga sumusukong drug users na bumalik sa kanilang bisyo ay dahil sa kakulangan ng suporta mula sa gobyerno at ng ibat-ibang sektor.

“Tatlong components ito, may government component like surrendering, may medical and reintegration to society , di naman tayo medical professional kaya yung rehab di namin pinasukan yan, what we did is dun sa reintegration…kasi ang estimated addict sa Pilipinas 3 million, sa ngayon 600,000 ang sumurender and we have only 45 rehabilitation centers and they can only absorb 5,000 patients, if they can afford medyo mahal po yan so based on experience sa Cebu, nung binigyan ng drug test ang 5,000 only 11 did not need rehab, so 3M only 100,000 out of this do not need rehab and 2.9 million need rehab and we can only absorb 5,000, sumu-surrender sila, to clear their names, afraid to die, offered work at iba pa at kung walang intervention diyan, more than despair ito,” pahayag ni Fr. Diola sa panayam ng Radyo Veritas.

Nanawagan din ang pari sa mga parokya at Simbahan na buksan ang kanilang pintuan para tulungan ang Narcotics Anonymous sa kanilang mga gawain sa mga sumuko na nangangailangan ng kanilang tulong.

“Kaya ang ideya natin ay Church, pastors, open your Church, parishes your chapels to Narcotics Anonymous fellowship, even if they undergo rehab kung walang support group, babalik at babalik sila sa dati, tulungan natin ang Narcotics Anonymous,” panawagan ng pari.

Kamakailan, ayon sa pari, nag-experiment sila ng salo-salong okasyon sa ilang drug surrenderees kung saan nagsagawa sila ng physical exercises gaya ng Zumba, Jogging, boodle fight, testimonial sharing sa NA at iba pa bilang pakikisalamuha sa mga drug users at upang maramdaman nilang sila ay bahagi pa rin ng lipunan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Prayer Power

 42,187 total views

 42,187 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 79,668 total views

 79,668 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 111,663 total views

 111,663 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 156,407 total views

 156,407 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 179,353 total views

 179,353 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 6,635 total views

 6,635 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 17,257 total views

 17,257 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Our dear people in government

 64,055 total views

 64,055 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 170,322 total views

 170,322 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 196,136 total views

 196,136 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 211,958 total views

 211,958 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Scroll to Top