Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Due process sa illegal drug operations, iginiit ng obispo

SHARE THE TRUTH

 276 total views

Mariing kinondena ng Diocese of Butuan, Agusan del Norte ang mga napapaulat na patayang may kinalaman sa kampanya ng gobyerno laban sa ilegal na droga.

Ayon kay Butuan bishop Juan de Dios Pueblos, hindi dapat sinasang-ayunan o pinapayagan ang ganitong paraan ng pagsugpo sa kriminalidad.

Sinabi ng obispo, kailangan may ‘judicial process’ ang hakbang lalo na at nasa demokratiko tayong bansa.

“Campaign vs drugs, in that matter, we could not tolerate or allowed just to kill them because of this because of that, it has to undergo judicial process, we are living in a democracy, it has to follow judicial process,” pahayag ni Bishop Pueblos sa panayam ng programang Veritas Pilipinas sa Radyo Veritas.

Kaugnay nito, ayon sa obispo, iniimbestigahan na at minamatyagan na ang mga napaulat na personalidad o mga opisyal ng local government units (LGU’s) sa Mindanao na sangkot sa operasyon ng ilegal na droga.

Sinabi ni Bishop Pueblos na umaasa siya na magkakaroon ng magandang resulta ang imbestigasyon laban sa mga opisyal ng mga lokal na pamahalaan.

“That’s true, they are slowly being investigated and monitored so with this kind of work I think something good will come out of this,” Ayon kay bishop Pueblos

Matatandaang limang heneral ng pulisya kabilang ang ilang mayor partikular na sa Cebu at sa Leyte ang pinangalanan ng pangulong Rodrigo Duterte na sangkot sa operasyon ng bawal na gamot.

Sa huling ulat ng Philippine National Police, nasa 565, 806 ang mga drug suspects na ang boluntaryong sumuko sa mga awtoridad sa buong bansa mula lamang ito July 1 hanggang August 2 ng taon habang 402 ang napapatay sa kampanya kontra ilegal na droga.

Una ng inihayag ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. na may positibong resulta ang pinaigting na operasyon nito kontra droga dahil marami ang nais magbagong buhay sa pamamagitan ng pagsuko subalit may masama ring epekto ito dahil sa maraming bilang na napapatay na isang paglabag sa karapatang mabuhay at magbagong buhay ng inaakusahang kriminal.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 107,665 total views

 107,665 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 115,440 total views

 115,440 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 123,620 total views

 123,620 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 138,603 total views

 138,603 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 142,546 total views

 142,546 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Veritas Team

Hamon ng Obispo kay BBM, isulong ang kabutihan

 90,377 total views

 90,377 total views Isulong ang kabutihan para sa mas nakakaraming Filipino. Ito ang mensahe at paalala ni Tandag Bishop Raul Dael kay President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos,

Read More »
Latest News
Veritas Team

Robredo, nangunguna sa VTS

 86,476 total views

 86,476 total views Sinu-sino sa mga presidential aspirant ang sumusunod o nagsusulong ng “Catholic values and beliefs” na naka-sentro sa kasagraduhan ng buhay. Tinanong at pinusulsuhan

Read More »
Politics
Veritas Team

Pangulong Duterte, wala na sa katinuan

 33,087 total views

 33,087 total views Hinamon ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity si pangulong Rodrigo Duterte na tingnan muna ang

Read More »
Politics
Veritas Team

Martial law hindi na kailangan

 33,098 total views

 33,098 total views Ito ang panawagan ni Kidapawan Bishop Jose Collin Bagaforo sa panukalang palawigin o i-extend muli ang batas militar sa Mindanao. Iginiit ni Bishop

Read More »
Politics
Veritas Team

Pangulong Duterte, Walang moral authority

 33,102 total views

 33,102 total views Walang karapatan ang Pangulong Rodrigo Duterte na magsabi sa pagtataguyod ng karapatang mabuhay gayung may higit na sa 20,000 ang napatay sa Anti-drug

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top