220 total views
Agad na tutugunan ng Archdiocese of Manila ang apela na tulong ng mga Dioceses na dumanas ng matinding pinsala dulot ng bagyong Nina.
Sa pamamagitan ng Radio Veritas, nakikipag-ugnayan na ang Caritas Manila sa mga apektadong Diyosesis para sa agarang relief operations at shelter assistance sa mga apektadong residente.
Nauna rito, inihayag ni Msgr.Clemente Ignacio, Vicar-General ng Archdiocese of Manila na umaapela si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa lahat ng parishes ng Archdiocese of Manila na maging handa para i-assists ang mga local government units na hihingi ng suporta sa simbahang Katolika.
“His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle appeals to the parishes to be ready to assist local government units in case they come to us.The government is doing its best to protect our citizens especially the vulnerable and homeless,” bahagi ng mensahe ni Msgr.Ignacio sa Radio Veritas.
Inihayag naman ni Arnaldo Arcadio, emergency program manager ng Catholic Relief Service sa Radio Veritas na magsasagawa sila ng “post disaster assessment” sa Catanduanes,Albay at Camarines Sur na isinailalim na sa state of calamity bunsod ng hagupit ng bagyong Nina.
Kaugnay nito, umaapela na ng tulong ang Diocese of Gumaca matapos silang masalanta ng bagyo.
Ayon kay Fr. Tony Aguilar, social action center director ng Diocese of Gumaca, labis na naapektuhan ang Bondoc Peninsula partikular na ang mga bayan ng San Narciso, San Andres, San Franciso at Mulanay at tatlong iba pa.
Ang Bondoc Peninsula ay ang katimugang bahagi ng Quezon province sa Calabarzon region kung saan nasasakupan nito ang 12 munisipalidad sa lalawigan.
Sinabi ng pari na may mga bahay na nasira lalo na yung nasa coastal areas.
Dagdag ni Fr. Aguilar, 70-80 porsiyento rin ng mga palayan at sagingan ang nasira kaya’t nangangailangan sila ng tulong para sa pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan ng mga taga Bondoc Peninsula.
“Ang diocese of Gumaca lalo na sa Bondoc Peninsula partikular na sa San Narciso, San Andres, Mulanay ay lubha silang naapektuhan ng bagyo, may mga bahay na nasira especially sa coastal areas, ang kanilang mga taniman gaya ng palayan at sagingan 70-80 porsiyento nasira. Nangangilangan kami ng tulong sa pagkain para sa mga immediate na pangangailangan nila na maibibigay natin. Nakikipag-ugnayn din ang diocese para matulungan ang iba pang parokya at municipality. Sa Gumaca meron kaming kuryente at tubig pero ang Bondoc Peninsula noong isang gabi wala na silang kuryente until now, kaya problema din naming ang communication sa aming mga coordinators at mga parish. Sa mga nais tumulong, maaring makipag-tulungan sa tanggapan ng SAC sa Gumaca,” ayon kay Fr. Aguilar sa panayam ng Radio Veritas.
Read: http://www.veritas846.ph/diocese-gumaca-umapela-ng-tulong/
Sa kasalukuyan, inihayag ni Diocese of Legazpi Social Action Center director Father Rex Arjona na patuloy ang kanilang ginagawang assessment sa mga sinalanta ng bagyong Nina sa bayan ng Tiwi, Malinao, Oas,Polangui, Libon at Tabaco na lubog sa tubig baha.
Inihayag sa Radio Veritas ni Father Arjona na walang kuryente at nasira din ang water system sa ilang bahagi ng lalawigan ng Albay habang 3-casualties ang naitala sa bayan ng Polangui.
Read: http://www.veritas846.ph/assessment-ng-diocese-legazpi-sa-naapektuhan-ni-nina-nagpapatuloy/
Kaugnay nito, patuloy ding umaapela ng tulong ang Damay Kapanalig para sa mga biktima ng bagyo.
Read: http://www.veritas846.ph/call-donations-victims-typhoon-nina/