Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Diocese of Gumaca, umapela ng tulong

SHARE THE TRUTH

 268 total views

Umapela ng tulong ang Diocese of Gumaca matapos silang masalanta ng Bagyong Nina nitong araw ng Pasko.

Ayon kay Fr. Tony Aguilar, social action center director ng Diocese of Gumaca, labis na naapektuhan ang Bondoc Peninsula partikular na ang mga bayan ng San Narciso, San Andres, San Franciso at Mulanay at tatlong iba pa.

Ang Bondoc Peninsula ay ang Katimugang bahagi ng Quezon province sa Calabarzon region kung saan nasasakupan nito ang 12 munisipalidad sa lalawigan.

Sinabi ng pari na may mga bahay na nasira lalo na yung nasa coastal areas.

Dagdag ni Fr. Aguilar, 70-80 porsyento rin ng mga palayan at sagingan ang nasira kaya’t nangangailangan sila ng tulong para sa pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan ng mga taga Bondoc Peninsula.

“Ang diocese of Gumaca lalo na sa Bondoc Peninsula partikular na sa San Narciso, San Andres, Mulanay ay lubha silang naapektuhan ng bagyo, may mga bahay na nasira especially sa coastal areas, ang kanilang mga taniman gaya ng palayan at sagingan 70-80 porsiyento nasira. Nangangilangan kami ng tulong sa pagkain para sa mga immediate na pangangailanganb nila na maibibigay natin. Nakikipag-ugnayan din ang diocese para matulungan ang iba pang parokya at municipality. Sa Gumaca merun kaming kuryente at tubig pero ang Bondoc Peninsula noong isang gabi wala na silang kuryente until now, kaya problema din namin ang communication sa aming mga coordinators at mga parish. Sa mga nais tumulong, maaring makipag-tulungan sa tanggapan ng SAC sa Gumaca,” ayon kay Fr. Aguilar sa panayam ng Radio Veritas.

Si Nina ang pang-14 na bagyo na pumasok sa Pilipinas ngayong taon mula sa humigit kumulang 20 kada taon.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 34,151 total views

 34,151 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 45,281 total views

 45,281 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 70,642 total views

 70,642 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 81,030 total views

 81,030 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 101,881 total views

 101,881 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, pinaghahandaan ang ika-75 anibersaryo

 5,722 total views

 5,722 total views Pinaghahandaan na ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pagdiriwang sa ika-75 anibersaryo nito sa darating na Oktubre, 2025. Ayon kay LAIKO National President

Read More »

RELATED ARTICLES

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 60,712 total views

 60,712 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 86,527 total views

 86,527 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 127,683 total views

 127,683 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Scroll to Top