Archdiocese ng Manila, naalarma na sa umiiral na crisis of truth sa Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 471 total reads

Naniniwala si Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo na nakaalarma na ang ‘crisis of truth’ na mayroon ang Pilipinas.

Ayon sa Obispo, tulad ng mensahe ni Pope Francis sa 52nd World Communication Day na may titulong ‘The Truth Will Set You Free; Journalism and Fake News for Peace’ nagkakaroon na ng pagkalito ang publiko sa katotohanan dahil na rin sa mga mapanglinlang na balita.

“Lumalaganap ang false news kaya ang mga tao ay naguguluhan kaya paano namin ngayon magiging klaro. Klaruhin natin sa mga tao ang mga pangyayari sa tingin ng ating pananampalataya,” ayon kay Bishop Pabillo.

Paliwanag ni Bishop Pabillo, ito rin ang paksa ng inilabas na ‘circular letter’ ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa pagdiriwang ng ‘Solemnity of the Ascension’ na siyang dahilan ng ‘urgent meeting’ ng mga pari para pagnilayan at magkaroon ng iisang pagkilos hinggil dito.

“Nanawagan lang kami sa mga pari, kasi nagpalabas si Cardinal ng pastoral letter. So diniscuss namin ang pastoral letter at paano kami kikilos ngayon ayon sa pastoral letter. At nagbahagihan din sa aming mga damdamin at mga ideas about sa nangyayari sa bansa natin ngayon,” ayon kay Bishop Pabillo.

Read: Cardinal tagle calls for days of prayer, fasting and education for truth

Umaasa din ang Obispo na matapos ang pagninilay ng bawat isa ay magkaroon ng iisang gawain at programa ang simbahan para sa pagsusulong at pagsusuri ng katotohanan.

“May activity na gagawin mula sa May 20-21 at may pag-uusap ang vicariate so paanong lalabas sa pag-uusap tsaka didiretso, may pag-uusap pa rin na mangyayari. Depende kung ano ang paglalabas kung may ‘urgent’ na pangangailangan,” ayon kay Bishop Pabillo.

Bukod kay Bishop Pabillo, dumalo sa pulong si Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr; Australian Missionary Sr. Patricia Fox na kabilang sa 138 mga pari at relihiyoso mula sa Archdiocese of Manila na ginanap sa San Carlos Seminary.

Sa mensahe ni Cardinal Tagle, nagkakaroon ng kalituhan ang publiko sa katotohanan dahil na rin sa magkakaibang interpretasyon ng mga dalubhasa sa ‘Saligang Batas’ na siyang dahilan ng pagkakahati-hati ng mamamayan partikular na ang usapin ng ‘Quo Warranto’ na siyang ginamit na proseso sa pagpapatalsik sa posisyon kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ang ‘Gathering of the Clergy ng Archdiocese of Manila’ ay isang pagsisimula para sa panawagan ng pananalangin, pag-aayuno at muling pag-aaral kaugnay sa katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 53,112 total reads

 53,112 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 132,614 total reads

 132,614 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 166,059 total reads

 166,059 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 201,357 total reads

 201,357 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 425,769 total reads

 425,769 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 16,454 total reads

 16,454 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top