Obispo ng Gumaca, sinariwa ang magandang aral ni Bishop Oliveros

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 484 total reads

Hinangaan ni Diocese of Gumaca Bishop Vic Ocampo ang istilo ng pagtuturo ng yumaong si Malolos Bishop Jose Olivero.

Ayon kay Bishop Ocampo, mahusay ang pamamaraan ni Bishop Oliveros sa paghubog sa mga seminarista at natutuwa siyang naging kabilang sa mga noo’y bagong pari pa lamang na tumanggap ng magandang aral mula sa namayapang Obispo.

“Sa mga naging pari na tinuruan niya sa Diyosesis ng Gumaca, humahanga ako sa kanyang pamamaraan ng paghuhubog ng mga seminarista, sapagkat sila ay natuto at natutuwa naman na sila ay tumanggap ng magandang aral mula kay Bishop Oliveros,” pahayag ni Bishop Ocampo sa Radyo Veritas

Bukod dito, hinahangaan din ni Bishop Ocampo ang kasipagan at dedikasyon ni Bishop Oliveros sa pagdalo sa taunang kapistahan ng Santo Kristo sa Quezon, ang lugar na kanyang pinagmulan.

Naniniwala si Bishop Ocampo na tulad ng larawan ng Santo Kristo na tumanggap sa pagpapakasakit, ay buong puso itong tinularan ni Bishop Oliveros dahil sa maluwag niyang pagtanggap sa pagpapakasakit na ipinagkaloob ng Panginoon sa pamamagitan ng kanyang karamdaman.

“Si Bishop ay nakakapanayam ko lagi sa kapistahan ng Quezon, May 3 at siya ay nakakahanga na lagi siyang umuuwi upang makiisa sa pag paparangal sa Santo Kristo ang Patron ng Quezon. Ang Santo Kristo ay alam natin na simbolo ng pagpapakasakit at yun ay kanyang tinanggap ng maluwag sa puso, ang pagpapakasakit ng ating Panginoon.” Dagdag pa ni Bishop Ocampo.

Kaugnay dito, matapos mailibing si Bishop Oliveros, hinimok naman ni Diocese of Imus Bishop Reynaldo Evangelista ang mga pari ng Diyosesis ng Malolos na magpakatatag, magkaisa at magtulungan, sa kabila ng pagkawala ng kanilang Obispo.

Umaasa si Bishop Evangelista, na ang maraming karanasan na pinagsamahan ni Bishop Oliveros at ng mga pari ay maipagpapatuloy sa Diyosesis at lalo pang mapaigting.

“Patuloy kayo na magkaisa at magtulungan sa Diyosesis na ito sa kabila ng pagpanaw ng inyong Obispo Bishop Jose Oliveros, sadyang maraming pinagsamahan kayo na dapat ninyong ipagpatuloy at sana ay lalo pang umigting ang inyong pagtutulungan dito sa Diyosesis.” Pahayag ni Bishop Evangelista sa Radyo Veritas.

Nitong ika-16 ng Mayo, pormal nang inanunsyo ng Vatican ang paghirang kay Cubao Bishop Honesto Ongtioco bilang Apostolic Administrator ng Diocese of Malolos.

Si Bishop Ongtioco ang pansamantalang mangangasiwa sa Diyosesis, habang hinihintay ang paghirang sa magiging bagong Obispo ng Malolos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 56,619 total reads

 56,619 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 135,894 total reads

 135,894 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 169,339 total reads

 169,339 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 204,637 total reads

 204,637 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 428,874 total reads

 428,874 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 37,797 total reads

 37,797 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 30,686 total reads

 30,686 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top