Madre, sang-ayon na may crisis of truth sa Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 760 total reads

Naniniwala si Australian Missionary Sr. Patricia Fox na may ‘krisis sa katotohanan’ sa Pilipinas at maging sa iba pang panig ng mundo.

Ito ang pagsang-ayon ni Sr. Fox, isang Australian Rural Missionary at volunteer staff ng Unyon ng Manggagawa sa Agrikultura sa pahayag ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na umiiral sa Pilipinas ang crisis of truth lalu sa magkakaibang interpretasyon ng mga eksperto sa Saligang Batas.

Naging isa sa mga speaker si Sister Fox sa pagtitipon ng mga pari ng Archdiocese of Manila, mga layko at mga law experts sa San Carlos Seminary upang pag-usapan ang umiiral na krisis ng katotohanan sa bansa.

Si Sister Fox ay inaresto noong April 16 dahil sa bintang na pakikiisa sa political activities at pagiging bahagi ng International Fact Finding and Solidarity Mission sa Mindanao dahil sa umiiral na batas militar sa rehiyon na naging resulta upang isailalim sa deportation ang madre.

Nanawagan si Sister Fox sa Simbahan na patuloy na gamiting sentro ng paglilingkod ang social teachings of the church na ang pangunahing misyon ay kapayapaan, katarungan at katotohanan. “Sana maganda ang … bible, social teachings of the church sana maging sentro to the church’s mission justice, peace and truth,” ayon kay Sr. Fox.

Una na ring dumalas ang mga pagtitipon at pagkilos ng simbahan at mga layko nang arestuhin ang madre, na nasundan ng usapin ng ‘quo warranto petition’ laban naman sa punong mahistrado.

“Siguro, mga tao ay gising na, alam nila kung anong klaseng lipunan ang gusto nila at paano magtagumpay ang gusto nila kasi gusto ng tao ay kapayapaan, kalayaan may demokrasya.” ayon pa kay Sr. Fox.

Ayon kay Sr. Fox, ang mga gawaing ito ay isang pagpapatunay na ang mga Filipino ay hindi natutulog sa mga usapin para isulong ang hangarin na mamuhay sa lipunang payapa, malaya at may demokrasya.

Umaasa naman si Sr. Fox na magbabago pa ang desisyon ng pamahalaan kaugnay sa kaniyang estado sa pananatili bilang misyonero sa Pilipinas na 27 niyang naging tahanan.

Base sa kautusan, Si Sr. Fox ay dapat na umalis ng bansa sa May 25, sakaling hindi paboran ang kaniyang motion for reconsideration.

Nagpapasalamat naman ang misyonero sa suporta at pagmamahal na ibinigay sa kanya ng mga Filipino.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 55,302 total reads

 55,302 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 134,674 total reads

 134,674 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 168,119 total reads

 168,119 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 203,417 total reads

 203,417 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 427,720 total reads

 427,720 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 16,600 total reads

 16,600 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top