Archdiocese of Jaro, nakaagapay sa pangangailangan ng mga apektado ng pandemya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 478 total views

Magpapatuloy ang Archdiocese of Jaro sa lalawigan ng Iloilo na tulungan ang mga mahihirap sa kabila ng pagpapatupad ng mahigpit na quarantine measure.

Ito ang tiniyak ni Msgr. Meliton Oso, Social Action Director ng Arkidiyosesis matapos makatanggap ng tulong mula sa Caritas Manila para sa may 2,000 mahihirap na pamilya sa lalawigan ng Iloilo at Guimaras island.

Aminado si Msgr. Oso na malaking tulong ang proyekto ng Caritas Manila katuwang ang pribadong kumpanya na Accenture Philippines upang maka-agapay sa mga mahihirap sa gitna ng suliranin sa pandemya.

“Lahat lahat po ng binigay sa amin ay mga 2000 [pieces] at malaking tulong po ito sa mga mahihirap sa Archdiocese of Jaro compose of the province of Guimaras and the province of Iloilo. We are very thankful for Caritas Manila for extending to us this kindness.”pahayag ni Msgr. Oso sa panayam ng programang Caritas in Action.

Maliban sa paghahatid ng mga groceries sa mga mahihirap ay nagpapatuloy din ang Caritas kindness program ng Arkidiyosesis.

Ang Caritas kindness station ay tulad din ng pagsasagawa ng community pantry sa paraan na ayon sa katuruan ng Simbahang Katolika.

“Talagang ganyan ang sitwasyon ng mga mahihirap at nagugutom kaya binibigay na namin ng maaga yun mga ticket, uwi muna kayo punta na lang kayo pagbukas namin at ina-identify namin barangay per barangay para hindi palaging suki ang dumadating” dagdag pa ng Director ng Social Action Center ng Archdiocese of Jaro.

Naniniwala si Msgr. Oso na ang pagkilos ng Simbahan para sa mga mahihirap ay pagpapamalas lamang na kahit sila mismo ay nakakaranas din ng mga suliranin dulot ng pandemya ay hindi nito nakakalimutan ang mga nangangailangan.

“Ginagawa natin yan kahit tayo ay naghihikahos, at magiging maganda yun solidarity natin, ang pagpapakita, ang pagsasabuhay natin ng Caritas. Itong charity kahit na tayo nangangailangan we continue to extend compassion to our brothers and sister who need more.”

28 Diyosesis sa Pilipinas ang naging katuwang ng Caritas Manila upang mamahagi ng mga gift certificates sa mga tinuturing na “ultra poor families” o yun kumikita lamang ng mas mababa pa sa 10 libong piso kada buwan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 13,056 total views

 13,056 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 13,056 total views

 13,056 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 13,056 total views

 13,056 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 12,559 total views

 12,559 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 11,365 total views

 11,365 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 68,530 total views

 68,530 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top