Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 629 total reads

ECQ na naman kapanalig sa maraming bahagi ng ating bansa. Sa bilis ng pagkalat ng COVID 19 ngayon, kinailangan ng bansa na maging mas strikto sa pag-galaw ng tao upang ating magapi ang pandemya.

Kaya lamang kapanalig, maraming Filipino ang ang tunay na mahihirapan sa mas mahigpit na quarantine. Gaya ng nakaraan, mas marami na namang kababayan natin ang mawawalan ng trabaho at magugutom. Ayon nga sa National Economic Development Authority (NEDA), mawawalan ang ekonomiya ng P105 billion kada isang linggo ng ECQ. Madadagdagan din ng 177,000 ang naghihirap na Filipino at 444,00 ang mawawalan ng trabaho.

Sa ganitong sitwasyon, kailangan natin ng pakikiisa o solidarity. Ang maging maralita sa panahon ng pandemya ay isang nakakapanlumong karanasan—para sa marami, ito ay parang kumunoy na dahan-dahang humihila ng pag-asa. Sa ganitong panahon, marami sa atin ang nakakaramdam ng pag-iisa at desperasyon. Sa ganitong pagkakataon, marapat na maalala natin ang patnubay ng Gaudium et Spes na nagsasabi na: God, who has a parent’s care for all of us, desired that all men and women should form one family and deal with each other as brothers and sisters. Kung tayo’y tunay na magkakapatid, hindi natin hahayaang may maapi at maghihirap sa ating lipunan.

Kaya nga’t ang community pantries sa ating bayan ngayon ay lalo pang nagiging mas mahalaga sa marami. Ito ay kongkretong manipestayon ng pakikipag-kapatiran at pagmamahal sa kapwa. Ito ay nagpapa-alingawngaw ng katuruan mula sa Compendium of Catholic Social Teachings na nagdidiin sa kahalagahan ng pakikiisa o solidarity. Ayon dito, ang solidarity ay isang otentikong moral na kagalingan o authentic moral virtue. Hindi lamang ito awa o pagkabahala sa paghihirap ng iba. Ito ay isang pangako o commitment ng pagkilos para sa kabutihan ng balana.

Kailangan lamang nating maalala na ang ayudang hanap ng tao ngayon ay hindi lamang pera o relief goods. Hanap din natin ngayon ay reassurance o pagpapanatag ng kalooban—sa pamamagitan ng pagsabay, pag-gabay, at pag-alalay sa ating paglalakbay tungo sa kagalingan at kalusugan ng lahat. Kaya nga’t ang pagpawi ng gutom na dala ng community pantries ay mas malalim para sa marami. Sinasalamin nito ang “Miracle of the Five Loaves and Two Fishes.” Sa ating pagbibigay ayuda, tayo ay nagsisilbing liwanag at himala para sa mga pagod at nagugutom sa ating lipunan.

 

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 67,927 total reads

 67,927 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 146,624 total reads

 146,624 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 180,071 total reads

 180,071 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 215,368 total reads

 215,368 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 439,106 total reads

 439,106 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WALANG KAHIHIYAN

 67,928 total reads

 67,928 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 146,625 total reads

 146,625 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 180,072 total reads

 180,072 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 215,369 total reads

 215,369 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »
Scroll to Top