Archdiocese of Manila, nagsagawa ng second collection para sa nasalanta ng bagyong Odette

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 535 total views

Nagsagawa ng second collection ang Archdiocese of Manila bilang pakikiisa at pagtulong sa mga biktima ng bagyong Odette.

Sa liham sirkular ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, nakasaad na lahat ng mga Kura Paroko, Rector at Chaplain ay inaatasang magsagawa ng second collection sa lahat ng Misa para sa ikaapat na Linggo ng Adbiyento.

Nagsimula na ito kagabi at ngayong araw ng linggo ika-19 ng Disyembre.

Ang lahat ng koleksyon ay ipinasusumite sa Accounting Office ng Arzobisado De Manila hanggang sa December 22, 2021.

“As we pray for the victims of Typhoon Odette hitting several Arch/Dioceses of the Visayas and Mindanao, we will also help in the alleviation of their pains,” bahagi ng circular letter ni Cardinal Advincula.

Tiniyak naman ni Cardinal Advincula ang pag-aalay ng panalangin para sa patuloy na kaligtasan ng mga biktima ng bagyo lalo na ngayong naghahanda ang lahat para sa pagdating ng Panginoong Hesus.
Nauna nang naglaan ng P2.5- milyon ang Caritas Manila bilang paunang tulong sa mga lalawigang labis na napinsala ng bagyong Odette.
Inaanyayahan naman ng pamunuan ng Radio Veritas at Caritas Manila ang mamamayan na makiisa sa isasagawang “telethon” para sa mga nasalanta ng bagyo.
Live na mapapakinggan sa Radio Veritas 846AM, Skycabble, DZRV.ph ang telethon simula alas-siete ng umaga hanggang alas-sais ng gabi araw ng Lunes ika-20 ng Disyembre 2021.
Ang malilikom na pondo sa telethon ay ipapadala ng Caritas Manila sa mga apektado ng bagyo upang sila ay makabangon sa dinanas na sakuna.

 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 84,059 total views

 84,059 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 106,169 total views

 106,169 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 181,185 total views

 181,185 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 178,881 total views

 178,881 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top