Nangyaring animal abuse sa isang parokya sa Diocese of Kalookan, ikinabahala ng isang Pari

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,497 total views

Nagpahayag ng pagkabahala ang makakalikasang pari na si Fr. Warren Puno, kasunod ng insidente ng animal abuse sa isinagawang “Salubong” noong Linggo ng Pagkabuhay sa Diocesan Shrine and Parish of the Immaculate Concepcion sa Malabon City.

Ayon kay Fr. Puno, na siyang convenor ng Quezon for Environment (QUEEN) at direktor ng Ministry on Ecology ng Diocese of Lucena, hindi angkop ang nasabing insidente sa diwa ng pagdiriwang ng muling pagkabuhay ni Kristo.

Binigyang-diin ng pari na bagama’t may mabuting layunin ang paggamit ng kalapati bilang simbolo ng kapayapaan at pag-asa, mahalagang isaalang-alang ang kapakanan ng lahat ng nilikha ng Diyos.

“Nauunawaan natin na ang paggamit ng kalapati ay may layuning magpahayag ng isang magandang simbolo ng kapayapaan at pag-asa, subalit paalala rin ito sa atin na ang ating pananampalataya ay dapat laging nakaugat hindi lamang sa tradisyon, kundi pati sa habag at malasakit sa lahat ng nilikha ng Diyos,” pahayag ni Fr. Puno sa panayam ng Radyo Veritas.

Lumabas sa mga ulat na ang kalapati na ginamit sa seremonya upang alisin ang itim na belo ng Mahal na Birheng Maria ay itinali ang mga pakpak at ikinabit pa sa mga lobo, bagay na umani ng batikos mula sa animal welfare advocates.

Ayon sa Animal Kingdom Foundation, ang ibon ay mistulang pinilit manatiling nakaunat ang mga pakpak at hindi makalipad, na maaaring nagdulot ng hirap o discomfort sa hayop.

“Supposed to symbolize hope and resurrection, yet forced, restrained, and unable to fly,” saad ng Animal Kingdom Foundation.

Kaugnay nito, hinimok ni Fr. Puno ang mga mananampalataya na suriin ang mga tradisyon upang matiyak na nagpapakita ang mga ito ng paggalang sa buhay at dignidad ng bawat nilalang.

Umaasa ang pari na magsilbing paanyaya ang insidente upang higit na maipamalas sa mga susunod na pagdiriwang ang pananampalatayang makakalikasan at may malasakit sa kapwa nilikha.

“Nawa’y magsilbi itong paanyaya sa lahat na sa ating mga susunod na pagdiriwang, higit nating maipakita ang isang pananampalatayang hindi lamang magandang selebrasyon, kundi tunay ding maawain, mapagkalinga, makakalikasan at makadiyos,” ayon kay Fr. Puno.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 31,593 total views

 31,593 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 61,816 total views

 61,816 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 88,467 total views

 88,467 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 183,440 total views

 183,440 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 202,566 total views

 202,566 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top