Special prayer for peace, pangungunahan ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,685 total views

Tiniyak ng pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang pagtugon ng Simbahan sa Pilipinas sa panawagan ni Pope Leo XIV na pananalangin para sa kapayapaan sa kanyang nakalipas na Easter Urbi et Orbi message.

Sa panibagong sirkular ni CBCP President, Lipa Archbishop Gilbert Garcera ang kanyang hinimok ang lahat ng diyosesis sa bansa na magsagawa ng special prayer vigil para sa kapayapaan sa darating na Abril 11, 2026, bilang pakikiisa sa panawagan ng Santo Papa.

Ito ay kasunod ng partikular na panawagan ni Pope Leo XIV sa kanyang Easter Urbi et Orbi message sa St. Peter’s Basilica sa Vatican na magdaos ng isang pandaigdigang panalangin para sa kapayapaan.
Ayon kay Archbishop Garcera, maaring isagawa ang pakikiisa sa pananalangin para sa kapayapaan ng daigdig sa pamamagitan ng Eucharistic adoration, pagdarasal ng Rosaryo, pagdiriwang ng banal na misa o pagsasagawa ng iba pang liturgical o devotional gatherings.

“In communion with the Holy Father, we respectfully encourage all dioceses to organize a prayer vigil on April 11, at any suitable time of the day, so that the faithful may spiritually join this universal initiative. This may take the form of Eucharistic adoration, the Holy Rosary, the celebration of the Holy Mass for peace, or other appropriate liturgical or devotional gatherings.” Bahagi ng sirkular ni Archbishop Garcera.
Giit ni Archbishop Garcera, mahalaga ang sama-samang panalangin ng Simbahan lalo na sa panahong dumarami ang hidwaan at umiiral ang tinatawag na “globalization of indifference.”

Sa liham sirkular na ipinadala sa mga Obispo at mga tagapaangasiwa ng mga diyosesis, hinikayat ni Arsobispo ang bawat lokal na Simbahan na magsagawa ng mga nasabing gawaing espiritwal sa bawat parokya, gayundin sa mga relihiyosong institusyon at komunidad.

“Such a collective act of prayer will not only express our solidarity with the Holy Father but will also witness to our shared hope that true peace, which begins in Christ, may prevail in our hearts and in the world. We kindly ask that this invitation be communicated to parishes, religious communities, and lay faithful within your diocese, encouraging broad participation in this important moment of ecclesial unity and intercession.” Dagdag pa ni Archbishop Garcera.

Paliwanag ni Archbishop Garcera, layunin ng inisyatiba na mapalalim ang pagkakaisa ng Simbahan at mapalakas ang pananalangin para sa kapayapaang nagmumula kay Kristo.

Hiniling din ng CBCP na iparating ang paanyaya sa bawat layko at pamilyang Pilipino upang higit na mapalawak ang pakikilahok sa nasabing gawain ng pananalangin para sa kapayapaan ng daigdig.

Matatandaang una ng itinakda ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang muling pagtatalaga sa Divine Mercy ng buong bansa bilang tugon sa kasalukuyang mga hamon at kawalang-katiyakan sa mundo.

Sa naunang sirkular ng Archbishop Garcera, inaprubahan ng Permanent Council ng CBCP ang renewal of the Consecration to the Divine Mercy na isasagawa sa Divine Mercy Sunday, sa Abril 12, 2026 kung saan inaanyayahan ang buong sambayanan na magkaisa sa pananalangin at lubos na magtiwala sa Diyos sa pamamagitan ng sabayang pagpaapahayag ng pananalig kay Hesus na muling nabuhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 24,927 total views

 24,927 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 52,932 total views

 52,932 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 70,732 total views

 70,732 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 69,706 total views

 69,706 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 180,363 total views

 180,363 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top