Tambak na basura sa mga pilgrimage site, binatikos ng EcoWaste

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,839 total reads

Binatikos ng EcoWaste Coalition ang patuloy na suliranin ng pagtatapon ng basura sa mga pilgrimage site at pampublikong lugar sa gitna ng paggunita ng Semana Santa ngayong taon.

Ayon sa grupo, bagama’t karamihan sa mga simbahan ay nanatiling malinis, kapansin-pansin pa rin ang kalat sa ilang lugar tulad ng International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral, Good Friday Nazareno procession ng Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno o Quiapo Church, at Way of the Cross sa Our Lady of Lourdes Grotto Shrine sa San Jose del Monte City, Bulacan.

Sinabi ni EcoWaste Coalition Zero Waste campaigner Ochie Tolentino na kahit paulit-ulit nang pinapaalalahanan ang publiko na huwag mag-iwan ng basura, marami pa rin ang nagkakalat kaya nadudungisan ang diwa ng Semana Santa, na parang naging nakasanayan na lamang.

“As old habits die hard, we urge everyone, especially our faith leaders and the faithful, to persevere in promoting shared responsibility towards ecological conversion, so we dispose of practices that disrespect and harm Mother Earth,” giit ni Tolentino.

Tinatayang mahigit anim na milyong deboto ang naglakad patungong Antipolo Cathedral para sa penitensiya at pasasalamat, ngunit nagkalat ng basura na nagdulot ng dagdag na trabaho sa mga waste and sanitation workers mula sa mga lokal na pamahalaan ng Pasig, Cainta, Taytay, at Antipolo, lalo na sa Tikling Junction na naging sentro ng kalat.

Naitala rin ang pagkalat ng basura sa Quiapo district sa Maynila sa ginanap na mahigit 13-oras na prusisyon ng Poong Jesus Nazareno na dinaluhan ng mahigit 500,000 deboto.

Sa Bulacan, napansin din ang tambak na basura sa Our Lady of Lourdes Grotto Shrine at maging sa National Shrine and Parish of the Divine Mercy sa Marilao, bagama’t hindi kasing lala ng mga nakaraang taon.

Sa isinagawang Lenten monitoring, nilibot ng Basura Patrollers ng EcoWaste Coalition ang 42 simbahan sa iba’t ibang lalawigan at Metro Manila sa kabila ng matinding init.

Kabilang sa mga nanguna sa kalinisan ang ilang simbahan sa Bataan, Batangas, at Cavite, lalo na ang Holy Spirit Chapel sa SVD Seminary sa Tagaytay City na mahigpit na nagpapatupad ng waste segregation alinsunod sa Republic Act 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act.

Kinilala rin bilang litter-free ang mga simbahan sa Rizal, Las Piñas, Makati, Malabon, Mandaluyong, at Quezon City, kabilang ang Santo Domingo Church.

Nagpapasalamat naman ang EcoWaste Coalition sa mga lokal na pamahalaan, waste workers, at mga volunteer sa kanilang ambag sa pagpapanatili ng kalinisan at tamang pamamahala ng basura, kasabay ng panawagan sa publiko na isabuhay ang “ecological conversion” at responsableng pangangalaga sa kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 232,523 total reads

 232,523 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 264,254 total reads

 264,254 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 366,078 total reads

 366,078 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 406,641 total reads

 406,641 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 417,708 total reads

 417,708 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 143,428 total reads

 143,428 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top