Animal abuse sa Malabon, kinundena ng Laudato Si movement

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,319 total reads

Nagpahayag ng matinding lungkot at pagkondena si Sr. Elizabeth Carranza, coordinator ng Laudato Si’ Movement Pilipinas, kaugnay ng insidente ng animal abuse sa isinagawang Salubong noong Linggo ng Pagkabuhay sa Diocesan Shrine and Parish of the Immaculate Conception sa Malabon City.

Ayon kay Sr. Carranza, labis siyang naapektuhan nang mapanood ang video ng insidente kung saan ginamit ang kalapati upang alisin ang itim na belo ng Mahal na Birheng Maria, habang nakatali ang mga pakpak nito at ikinabit pa sa mga lobo.

“I really cried while watching the video. I went to the Facebook page of the Diocesan Shrine and Parish of the Immaculate Conception. Sad to confirm, it really did. And there was already a lot of reaction there,” ayon kay Sr. Carranza.

Paliwanag ng madre na kahit may ilang nagsasabing hindi tunay ang ginamit na ibon, hindi pa rin nawawala ang mensahe sa maling pagtrato.

Binigyang-diin din ni Sr. Carranza ang mensahe ng ensiklikal na Laudato Si’ ni Pope Francis na nagsasabing magkakaugnay ang lahat ng nilikha, kaya’t ang anumang pinsala sa isang nilalang ay pinsala sa kabuuang sangnilikha.

“I outrageously denounce this act, not only because it is absolutely against the teaching of Laudato Si’ but also because I personally feel the pain of the dove in my bones,” ayon kay Sr. Carranza.

Samantala, labis rin itong ikinabahala ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS) at binigyang-diin na kahit may mabuting intensyon ang layunin ng tradisyon, hindi dapat pinapahirapan o sinasaktan ang mga hayop.

“The use of a live animal in a manner that causes distress or harm is inconsistent with the values of compassion, stewardship, and care for all of creation,” giit ng PAWS.

Dagdag pa ng grupo, bahagi ng pananampalataya ang pagiging mabuti at maawain sa lahat ng nilalang, kaya’t nananawagan ang PAWS ng mas makataong paraan sa mga relihiyong pagtatanghal, isang paraan na iginagalang ang kabanalan ng pagsamba at pinapangalagaan ang dangal at kapakanan ng mga hayop.

“Cruelty has no place in religious celebrations or in any type of gathering in our society. We hope that our shared values of care and devotion for the practice of faith will move us to show the same care and kindness to animals that are entrusted to us,” ayon sa PAWS.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 59,286 total reads

 59,286 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 163,363 total reads

 163,363 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 200,151 total reads

 200,151 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 230,726 total reads

 230,726 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 276,703 total reads

 276,703 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 57,513 total reads

 57,513 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top