Hindi dapat maging sanhi ng pagdurusa ang isang simbolo ng buhay.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,724 total reads

Ito ang pahayag ng Living Laudato Si’ Philippines hinggil sa insidente sa ginanap na Salubong noong Linggo ng Pagkabuhay sa Diocesan Shrine and Parish of the Immaculate Concepcion sa Malabon, kung saan isang kalapati ang itinali sa isang patpat at ikinabit pa sa mga lobo bago pinalipad.

Ayon sa grupo, nakalulungkot na ang kalapati—na sumasagisag sa Espiritu Santo at kapayapaan—ay ginamit bilang mekanismo sa ritwal at naging sanhi ng pagdurusa sa ibon.

“Ang isang simbolo ng buhay ay hindi maaaring iugnay sa gawain na nagdudulot ng kalupitan at kamatayan. Ito ay taliwas sa diwa ng Pasko ng Pagkabuhay—ang tagumpay ng buhay laban sa kamatayan,” ayon sa LLS Philippines.

Binanggit din ng LLS Philippines ang paalala ni Pope Francis sa kanyang ensiklikal na Laudato Si’ na taliwas sa dignidad ng tao ang magdulot ng pagdurusa o kamatayan sa mga hayop nang hindi kinakailangan.

Iginiit ng grupo na malinaw na walang puwang ang kalupitan sa hayop sa anumang gawaing panrelihiyon, sa halip, ang pananampalataya ay dapat magpalalim ng malasakit, hindi magbigay-daan sa pananakit.

Nananawagan ang grupo sa mga pinuno ng Simbahan, parokya, at mga mananampalataya na magsagawa ng masusing pagsusuri sa mga gawaing panrelihiyon, iwanan ang mga nakapipinsalang tradisyon, at yakapin ang mga paraang nagbibigay-buhay at sumasalamin sa awa at malasakit sa sangnilikha.

“Ang Pasko ng Pagkabuhay ay paanyaya sa panibagong buhay, hindi lamang sa ritwal kundi sa ating puso. Kung tunay na nabuhay si Kristo, itaguyod natin ang buhay sa lahat ng anyo nito,” saad ng LLS Philippines.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Battered woman syndrome

 145,694 total reads

 145,694 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 207,383 total reads

 207,383 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 253,092 total reads

 253,092 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 354,360 total reads

 354,360 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 416,517 total reads

 416,517 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 207,906 total reads

 207,906 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top