VeritasPH

The Word, The Truth

Authentic power is service

SHARE THE TRUTH

 155 total views

Mga Kapanalig, isa sa mga sikat na pangaral ni Pope Francis ay ang sinabi niya sa isang homilya na “authentic power is service.”

Ang tunay na kapangyarihan ay paglilingkod. Ang sinumang may tàngang kapangyarihan ay dapat na inuuna ang pagtatanggol sa kanyang mga pinaglilingkuran, lalo na ang mahihirap, mahihina, at isinasantabi. Sila ang mga inisa-isa sa Ebanghelyo ni San Mateo 25:31-46 na magiging batayan ng huling paghuhusga sa atin: ang mga nagugutom, mga nauuhaw, mga dayuhan, mga walang kasuotan, mga maysakit, at mga bilanggo. Tunay ang paglilingkod ng mga may kapangyarihan kung tunay ang pag-ibig nila sa mga taong pinakanangangailangan ng pagtatanggol.

Ilang tulog na lang, pipili na tayong muli ng mga lider ng ating bansa. Nakalulungkot—bagamat inaasahan na natin—na habang papalapit ang araw na ito, mas tumitindi ang bangayan at batuhan ng putik ng ilang nagpiprisentang maging bagong mga pinuno ng ating bayan.

May mga kandidatong pinaaatras ang kanilang kalaban dahil sila raw ang mas karapat-dapat na piliin ng mga botante. Bukambibig nila ang “pagkakaisa” samantalang inuubos nila ang kanilang lakas at oras sa pagbatikos sa kanilang kalaban, habang tikom naman ang kanilang mga bibig sa mga maling ginagawa at pagsisinungaling ng iba pang tumatakbo. Sa halip na ilantad ang katotohanang dapat malaman ng publiko, tila ba nagiging kasabwat pa sila ng mga nagtatago ng kung ano ang totoo at ng mga nakikinabang sa katiwalian sa pamahalaan.

Anong uri ng kapangyarihan ang nais makamit ng mga pulitikong hindi pinahahalagahan ang katotohanan?

May mga kandidato namang kampante na sa kanilang popularidad kahit pa wala silang konkreto at malinaw na tugon sa mga isyu ng bayan. Naghihintay na lamang daw sila ng araw ng kanilang pagbabalik sa poder. Hindi na raw nila pag-aaksayahan ng panahon ang mga debate at talakayan kung saan mailalahad nila ang kanilang mga plano. Hindi na nila sasagutin ang mga nagtutuwid sa mga kasinungalingang ikinakalat nila. Ang mahalaga para sa kanila, maraming tao ang napaniwala at naloko nila. Ang mahalaga para sa kanila, nasa kanilang likod ang mga maimpluwensya at may pera, kahit pa napatunayang nagnakaw ang mga ito noong sila ay nasa posisyon pa.

Anong uri ng kapangyarihan ang hangad ng ganitong mga pulitikong hindi sineseryoso ang layunin ng pulitikang maglingkod sa mga tao?

Sa huli, nasa ating mga kamay bilang mga botante ang kapangyarihang pumili ng mga taong hindi lamang mamamalakad ng pamahalaan kundi gagamitin ang pamahalaan upang paglingkuran ang bayan. Sa atin nagmumula ang kapangyarihan ng sinumang uupo sa pamahalaan, kaya marapat lamang na gamitin nila ito upang maglingkod. Sabi pa nga ni Pope Francis, “Only those who serve with love are able to protect!” Ang mga naglilingkod nang may pag-ibig ay ang mga taong kaya tayong ipagtanggol.

Sa iyong mga napupusuang iboto, masasabi mo bang pag-ibig sa mga Pilipino ang tunay na nag-uudyok sa kanilang maghangad ng posisyon sa pamahalaan? Paano mo masasabing paglilingkod sa bayan, lalo na sa mahihina at isinasantabi sa lipunan, ang tunay nilang hangarin? Sinu-sino ang mga tunay na sumusuporta sa mga kandidato mo—ang mga ordinaryong mamamayan bang dapat paglingkuran ng mga lider o ang mga tiwali at maykayang gagamitin ang kapangyarihan ng mga lider para sa pansarili nilang interes?

Mga Kapanalig, may ilang araw pang natitira upang suriin at pagnilayan nating mabuti kung sinu-sino ang mga pangalang mamarkahan natin sa balota. Kung naniniwala tayo sa sinabi ni Pope Francis na “authentic power is service,” tingnan natin kung sinu-sino ang tunay na maglilingkod gamit ang kapangyarihang ipagkakatiwala natin sa kanila sa loob ng anim na taon. Huwag nating sayangin ang pagkakataong ito.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 11,881 total views

 11,881 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 19,866 total views

 19,866 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 27,402 total views

 27,402 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 43,387 total views

 43,387 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 51,431 total views

 51,431 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 11,883 total views

 11,883 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 19,868 total views

 19,868 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 27,404 total views

 27,404 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 43,389 total views

 43,389 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 51,433 total views

 51,433 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 46,007 total views

 46,007 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 44,432 total views

 44,432 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 46,218 total views

 46,218 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 43,143 total views

 43,143 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 57,457 total views

 57,457 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 61,147 total views

 61,147 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 59,750 total views

 59,750 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 69,737 total views

 69,737 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 73,705 total views

 73,705 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 84,592 total views

 84,592 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top