Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 598 total reads

Mga Kapanalig, kahapon, Kapistahan ng Kristong Hari, ay pormal nang natapos ang Natatanging Taon ng Jubileo ng Awa. Natatangi o “extraordinary” ang nasabing jubileo dahil itinakda ito ni Pope Francis nang wala pa sa ika-25 taon matapos ang huling “ordinary jubilee” na ipinagdiwang noong taóng 2000.

Batay na rin sa “papal bull” na Misericordiae Vultus (na kung isasalin sa Filipino ay nangangahulugang “Ang Mukha ng Awa”), ang Taon ng Jubileo ay panahon ng paghingi ng kapatawaran at taos-pusong pagsisisi para sa mga nagawang kasalanan. Kasabay nito ang pakikipagkasundo at pagkamit ng tinatawag na “indulhensya plenarya” sa pamamagitan ng pagdalaw sa mga banal na lugar. Sa pamamagitan ng Jubileo ng Awa, nais ng ating Santo Papa na magbalik-loob tayo sa ating Panginoon at yakapin ang Kanyang Banal na Awa. Akmang-akma ito lalo na’t labis na pagdurusang dinaranas ng napakarami nating kapatid at maging ng ating mga sarili. Isa itong natatanging pagkakataon upang sa ating mga buhay ay maranasan natin ang walang hanggang awa ng Diyos at maipaabot ito sa ating kapwang naguguluhan at nangangailangan ng makakapitan.

Ngunit hindi natapos kahapon ang ating misyong yakapin ang awa ng Panginoon at ihatid ito sa ating kapwa. Mula nang ideklara ito ng ating Santo Papa, tunay namang napakaraming nangyari sa ating personal na buhay at maging sa ating paligid. Gaya na lamang ng mga naganap sa mga huling araw bago matapos ang Natatanging Taon ng Jubileo ng Awa: Biyernes nang magulat ang marami sa atin nang mabalitang inilibing na si dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Makatutulong na pagnilayan natin ang pagpapalibing kay dating Pangulong Marcos mula sa lente ng awa at habag. Ngunit sa halip na ituon natin ito sa isang tao o pamilya, ibaling natin ang ating paningin sa mga taong naging magkasalungat ang pananaw sa nasabing isyu. May mga buong galak na tinanggap ang nangyari, at mayroon ding walang mapagsidlan ang kanilang pagkadismaya. Kapwa ay nangangailangan ng awa—awa para sa pagpanig sa iisang bersyon ng katotohanan, at awa para sa hindi pagkakakamit ng tunay na katarungan.

May isa pang grupo ng mga Pilipino na nangangailangan din ng awa. Sa pagitan ng mga nagtatagisang pananaw at damdamin, hindi ba’t mas marami sa atin ang mistulang walang pakialam sa isyu? Hindi ba’t mas nakababahala ang kawalan ng kaalaman ng mas maraming Pilipino sa bigat ng usaping ito? Humantong tayo sa sitwasyong ito—isang sitwasyong naghati-hati sa atin—dahil marami ang hindi nakakaalam, marami ang hindi nakauunawa. At bunga ito ng kakulangan ng pag-abot sa kanila ng mga taong may nalalaman at ng mga institusyong humuhubog sa ating kaluluwa bilang isang bayan.

Ang awa, gaya ng ipinamalas ni Hesus sa mga taong hindi lubos ang naging pagtanggap sa Kanya, ay isang biyayang kailangan nating matutuhan. Kailangan nating isabuhay ito upang maipamahagi sa mga pagkakataong tila ba mahirap abutin ang mga taong walang pakialam sa kanilang kapwa, sa mga taong walang pakialam sa kanilang lipunan. Ang awa ng ating Panginoon, na humantong sa pagkakapako sa krus ng Kanyang Anak na si Hesus para sa kasalanan nating lahat, ay dapat na mag-udyok sa ating mga sumasampalataya sa Kanya na patuloy na alamin ang katotohanan at isulong ang tunay na katarungan, nang sa gayon ay maabot natin ang ating kapwang piniling manahimik dahil walang nalalaman. Sa mga panahong nawawalan tayo ng ganang magpatuloy, paulit-ulit nating alalahanin ang walang hanggang awa at habag na ipinamalas ni Hesus sa lahat.

Mga Kapanalig, mapanghamon ang ating kasalukuyang panahon. Sa bawat pagsubok na kinakaharap natin bilang isang bayan, ang maiaambag natin bilang mga mananampalataya ay ang isang uri ng awang inuudyukan ng pagnanais na unawain ang ating kapwa at ang sitwasyong kinalalagyan natin. Ang kailangan natin ay isang uri ng awang itinutulak tayong kumilos upang gawin ang tama at nararapat.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapag ginagawang sandata ang batas

 31,181 total reads

 31,181 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 67,235 total reads

 67,235 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 121,070 total reads

 121,070 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 183,119 total reads

 183,119 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 250,862 total reads

 250,862 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapag ginagawang sandata ang batas

 31,182 total reads

 31,182 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 67,236 total reads

 67,236 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 121,071 total reads

 121,071 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »
Scroll to Top