Marcos, hindi bayani-DSWD head

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 387 total views

Hindi itinuturing na bayani ni Department of Social Welfare and Development Secretary Judy Taguiwalo si dating pangulong Ferdinand Marcos.

Ito ang inihayag ng kalihim kasunod ng paglilibing sa dating Pangulo at diktador na si Marcos sa libingan ng mga bayani kaninang tanghali.

Ayon sa kalihim, mayroon siyang personal na dahilan kung bakit kailan man ay hindi nito matatanggap na naihimlay sa libingan ng mga bayani ang dating pangulo.

Dagdag pa nito may mga kaibigan siyang nakaranas ng torture sa ilalim ng pamumuno ni Marcos.

“Marami akong kaibigan, kakilala, mga nanay at tatay nila na namatay, pinatay sa panahon ng diktadura, yun ang aking kontexto. Kaya nung May 31 na i-appoint ako ni President Duterte bilang Secretary, sinabi ko personally hindi talaga, and I think the president knows that where I stand personally, yun ang tindig ko hindi ko sya tinuturing na bayani.” Pahayag ni Secretary Taguiwalo.

Alas dose ng tanghali ng Nobyembre 18, 2016, naihimlay sa Libingan ng mga Bayani ang mga labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Isinagawa ang pribado, payak at lihim na seremonya bilang tugon sa kahilingan ng pamilyang Marcos.

Gayunman, marami pa rin ang nagpahayag ng kanilang hinanakit at galit dahil sa pagkakalibing ng diktador kasama ang 49, 000 mga sundalo at war veterans sa Libingan ng mga Bayani.

Una ng inihayag ni dating CBCP president Lingayen-Dagupan archbishop Oscar Cruz na ang isang yumao ay dapat inililibing ang katawang lupa para na rin sa ikatatahimik ng kaluluwa nito.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 25,725 total views

 25,725 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 48,877 total views

 48,877 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 118,991 total views

 118,991 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 193,605 total views

 193,605 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 271,835 total views

 271,835 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 350,305 total views

 350,305 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top