89,727 total views
Kapanalig, (9) na taon ng patuloy sa pagbagsak ang ekonomiya ng Pilipinas. Kapag bagsak ang ekonomiya, dumarami ang naghihikahos na mga Pilipino, maraming Pinoy ang hindi nakakatanggap ng serbisyo publiko.
Sa paghina ng ekonomiya, lalo ding bumabagal ang Gross Domestic Product (GDP) ng Pilipinas. Ang GDP Kapanalig ay komprehensibong scorecard ng economic health ng bansa. Kapaloob sa GDP ang consumer spending, government spending, net exports at kabuuang investments. Ito ay kabuuang halaga ng lahat na goods at services na pino-produce ng Pilipinas. Kapag bagsak ang ekonomiya, tumataas ang inflation rate, kasabay nito ang pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo.
Iniulat ng Philippine Statistic Authority (PSA) na bumagsak ang ekonomiya sa second half ng taong 2025 na isinisi sa nabunyag na corruption scandals na kinasasangkutan ng mga mambabatas, mga opisyal ng pamahalaan at ganid na kontraktors.
Ang report ng PSA Kapanalig ay kinontra ng IBON foundation, tiniyak ng research group na ang pagbagal ng GDP dahil sa corruption ay “smokescreen” lamang ng bad economics.
Kapanalig, bukod sa korapsyon… ang malalim na problema sa pagbagsak ng ekonomiya ay dulot ng palpak na “growth model” na ipinapatupad ng pamahalaan.
Mula sa 7.1 percent noong 2016: 6.9-percent sa taong 2017; 6.3-porsiyento 2018: 6.1-percent noong 2019 kabilang ang panahon ng COVID 19 pandemic noong 2020-2022: naging 5.5-percent noong 2023:5.7-percent 2024 at lumagapak sa 4.4-percent noong 2025.
Paano lalago ang ekonomiya ng Pilipinas kung pinapababayaan ng gobyerno ang sektor ng agrikultura at manufacturing? Sa datos, 17.3 percent lamang ang share ng manufacturing sa ekonomiya na pinakamaliit sa nakalipas na 79-taon. Ang nakakalungkot, 7.9-porsiyento ang ambag ng agriculture sa ekonomiya ng bansa. Malaki din ang epekto ng mahinang household consumption o kakulangan sa buying power ng mamamayan na dulot ng mababang sahod., kawalan ng trabaho…bumaba din ang OFW remittance gayundin ang mahinang government spending at negatibong net exports.
Babala IBON, magpapatuloy ang pagbagsak ng economic growth ng bansa hanggang hindi naipatupad ng pamahalaan ang tunay na transformative structural reforms, maisakatuparan ang agrarian reform, malakawakang public investments upang mapaunlad ang produksyon sa kanayunan at long plan para sa Filipino industrialization.
Kapanalig, hangga’t nakatingala ang ating mga opisyal ng gobyerno, mga mambabatas sa iilang makakapal ang bulsa… sa kita sa halip na kapakanan ng mga mahihirap na Pilipino.,walang magaganap na pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas.
Sinasabi ng Catechism of the Catholic Church: 2426 “The development of economic activity and growth in production are meant to provide for the needs of human beings. Economic life is not meant solely to multiply goods produced and increase profit or power; it is ordered first of all to the service of persons, of the whole man, and of the entire human community. Economic activity, conducted according to its own proper methods, is to be exercised within the limits of the moral order, in keeping with social justice so as to correspond to God’s plan for man.
Sumainyo ang Katotohanan.




