Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Nangangasiwa sa mga dambana at basilika sa Pilipinas, hinimok na maging daluyan ng ebanghelisasyon

SHARE THE TRUTH

 35,366 total views

Hinamon ni Malolos Bishop Dennis Villarojo ang mga tagapangasiwa ng mga dambana at basilika sa bansa na isulong ang pagiging daluyan ng ebanghelisasyon.

Sa pagninilay ni Bishop Villarojo para sa opening mass ng 29th National Assembly ng Association of Catholic Shrines and Pilgrimages of the Philippines (ACSP) na isinagawa sa diyosesis ay binigyang diin ng Obispo na ang mga dambana at mga basilica ay higit pa sa mga lugar ng debosyon, kundi mga sentro ng sinodalidad, ebanghelisasyon, at pagpapagaling.

“Let our shrines be centers of synodality and evangelization. They are rightly called sanctuaries because they are places of refuge, a place of rest for the weary soul. There are many ways we can bring solace and consolation to our people.” Bahagi ng pagninilay ni Bishop Villarojo.

Binigyang-diin din ni Bishop Villarojo na ang mga dambana ay dinarayo at sinasadya ng mga perigrino na may pasan-pasang hindi lamang espiritwal, kundi maging emosyonal at sikolohikal na mga sugat, kaya naman mahalagang maging mga lugar ang mga dambana na nag-aalok ng aliw, pahinga, at paghilom.

Isa sa mga kongkretong hakbang na ibinahagi ng Obispo ay ang pagsasama ng pangangalaga sa kalikasan sa pastoral na misyon ng mga dambana sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Hinikayat din ni Bishop Villarojo ang lahat na pangalagaan ang kalinisan ng kapaligiran, gayundin ang pagtatanim ng mga puno at halaman, maayos na pamamahala ng basura, at pagpapanatiling malinis ng mga pasilidad bilang bahagi ng paggalang sa nilikha ng Diyos.

“The most obvious one is to make it a place not just for spiritual renewal, but also ecological restoration. Let the earth breathe in our shrines. Fill it with trees and plants, birds and butterflies. Keep the toilets clean and dispose of the garbage properly. Keep it clean and spacious. In today’s world, people carry not just spiritual burdens but also psychological bondage.” Dagdag pa ni Bishop Villarojo.

Dagdag pa ng Obispo, sa isang mundong puno ng ‘stress’ o pagkabalisa, at kawalang katiyakan ay maaaring palawakin ng mga dambana ang kanilang paglilingkod sa pamamagitan ng mental health support, kung may kakayahan ang lugar.

Iminungkahi rin ni Bishop Villarojo ang posibilidad ng paglalaan ng espasyo para sa counseling at mental health clinics, katuwang ng sakramento ng kumpisal.
Binanggit din ng Obispo ang posibilidad ng mga pasilidad para sa pisikal na pangangalaga, tulad ng pagpapakain, pagbibigay-damit, o pagkakaloob ng simpleng paliguan lalo na para sa mga dukha at mga pilgrim na naglalakbay nang malayo.

“If possible, shrines can provide clinics for mental health, not just a place for a priest to hear confessions, but a clinical psychologist to provide counseling if the place permits. There can also be facilities for physical healing where people can be fed, clothed, and perhaps even take a shower.” Ayon pa kay Bishop Villarojo

Ayon kay Bishop Villarojo, kapag ang mga dambana at basilica ay naging tunay na lugar ng pakikipagtagpo sa Diyos at sa kapwa, ay kusang dadaloy ang biyaya para sa lahat.

“When we make our shrines and basilicas truly places of encounter with God and with fellow pilgrims, we make miracles happen. Not because we make it happen, but because the Lord pours out His grace upon His people.” Dagdag pa ni Bishop Villarojo.

Sa pagtatapos ng kanyang mensahe, mainit na tinanggap ni Bishop Villarojo ang mga panauhin ng Diyosesis ng Malolos na mga delegado ng 29th ACSP National Assembly at ipinagdasal ang isang makabuluhan at mabungang pagtitipon para sa lahat.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nasasayang na oras

 59,746 total views

 59,746 total views Mga Kapanalig, ilang oras ang nasasayang ninyo tuwing naiipit kayo sa matinding trapik? Ayon sa TomTom Traffic Index, umabot sa 143 hours—o katumbas

Read More »

Wakasan ang political dynasties!

 78,095 total views

 78,095 total views Mga Kapanalig, sa wakas, tinatalakay na ng Kongreso ang Anti-Political Dynasty Bill! Layunin ng panukalang batas na wakasan ang pamamayagpag ng iilang pamilya

Read More »

Nasaan ang mga “makabayan”?

 96,379 total views

 96,379 total views Mga Kapanalig, may pagbabanta ang China sa mga senador at opisyal ng gobyerno na dumedepensa sa West Philippine Sea.  Sa isang statement na

Read More »

Wala ba talagang due process?

 251,191 total views

 251,191 total views Mga Kapanalig, balik-kulungan si dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. Ipinag-utos ng Sandiganbayan ang pansamantalang pagkulong kay dating Senador Revilla kaugnay ng kasong

Read More »

Mas maliwanag na bukas?

 295,638 total views

 295,638 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ng pamahalaan ang makasaysayang pagtuklas ng natural gas sa Malampaya East-1 (o MAE-1) reservoir sa karagatan ng Palawan. Ang MAE-1

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Program Paghilom nagpapasalamat sa Senado

 21,072 total views

 21,072 total views Nagpaabot ng pasasalamat ang pamunuan ng Program Paghilom sa ilalim ng Arnold Janssen Kalinga Foundation sa suporta ng Senado sa pagbubukas ng “Lakbay

Read More »

Mamamayan, binalaan ng PHIVOLCS

 50,332 total views

 50,332 total views Pinaalalahanan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang publiko na huwag basta maniwala sa mga kumakalat na hindi beripikadong impormasyon. Ayon

Read More »
Scroll to Top