311 total views
Naniniwala ang Legal Network for Truthful Elections (LENTE) na malinis ang nagdaang halalan.
Ayon kay Atty. Rona Ann Caritos, acting executive director ng LENTE at head ng STEP Coalition Secretariat, nabahiran lamang ang credibility ng automated election dahil sa ‘hash code’ controversy na hindi naman maituturing na pandaraya.
Pahayag ni atty. Caritos, naging kontrobersyal lamang ang hash code dahil may ilang parties ang sinilip ito bunsod na rin ng dikit na labanan sa Vice Presidentiable.
“ Kami po sa LENTE sa cosmetics change, question mark to (enye) ang problema kasi sa circumstances dun sa pagbago, nagkaroon tayo ng sobrang lapit na VP race, nakita ng ibang quarter sa society, eh nababago nga nila ang ? to enye, kaya may pagdududa, since 2010 elections yan ang criticism na pwede yan mabago what more ang bilangan.. yung change kasing ginawa, nagpaalam naman ang Smartmatic sa mga watchers, sa mga parties na present hindi naman ginawa yan in isolation kundi in constitution with the Comelec, nabura ginawa yan gabi, siyempre a simple changing in the system hindi na kailangan ng en banc so hinay-light at masyadong tumutok ang media sa isyu na yan.” Pahayag ni Atty. Caritos sa panayam ng Radyo Veritas.
Kaugnay nito, sinabi ng LENTE na sa kanilang obserbasyon sa pangkalahatan, makasaysayan ang nagdaang eleksyon dahil naitala nito ang pinakamalaking voters turnout na 81 percent.
Ayon kay Atty. Caritos, malaki ang naging kontribusyon ng social media kung bakit marami ang bumoto ngayon.
“Maayos ang eleksyon na nangyari pero dahil lang sa cosmetic change na yan (hash code) na blown out of proportion ng maraming parties, nagkaroon ng isyu sa credibility sa process, na hindi naman sana kasi kawawa ang effort ng lahat ng tao,isa ito sa pinakamahirap na eleksyon, dahil maraming isyung kinaharap ang Comelec, malaki din ang role ng social media kaya passionate ang botante at 81 percent turnout ito ang highest in history.” Ayon pa sa LENTE.
Nasa 41 milyon mula sa 54 milyong rehistradong botante ang nakibahagi sa May 9, 2016 elections at matapos ito, agad nanawagan ang mga obispo ng Simbahang Katolika ng pagkakaisa, suporta sa bawat isa at paghihilom ng mga sugat para na rin makasulong na sa sinasabing pagbabago ng susunod na administrasyong Duterte.