Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 559 total views

Homiliya para sa Ika-32 Linggo ng Karaniwang Panahon, 6 Nobyembre 2022, Lk 20:27-38

Mula nang magsimula ang pandemya, parang unti-unti nang nasanay ang mga Katoliko sa cremation, na dati-rati ay hindi pa katanggap-tanggap sa maraming mga Kristiyano dahil nga sa paniniwala natin sa muling pagkabuhay. Masyado pa kasing literal noon ang intindi natin sa doktrinang ito, kahit alam naman natin na ang katawan natin ay talagang mabubulok at babalik sa lupa.

Siguro dahil din ito sa mga binabasa natin na mga kuwento sa ebanghelyo tungkol sa mga taong namatay pero ibinangon muli ni Hesus. Halimbawa iyung namatay na binatang anak ng babaeng balo na taga bayan ng Naim, o iyung dose anyos na anak ni Jairus, o si Lazaro na kapatid nina Marta at Maria. Namatay sila pero binuhay na muli ni Hesus. Iyun na ba ang ibig sabihin ng “muling pagkabuhay”? Hindi. Bakit? Kasi namatay din silang muli. Hindi naman RESURRECTION ang dapat itawag doon sa English kundi “RESUSCITATION”. Binuhay na muli pero katawang lupa pa rin.

Sa Sulat ni San Pablo sa Romans chapter 6:8, sabi niya, “At kung namatay tayong kasama ni Kristo, naniniwala tayong mabubuhay din tayong kasama niya. Alam natin na si Kristoʼy muling nabuhay at hindi na muling mamamatay. Wala nang kapangyarihan sa kanya ang kamatayan.”

Ito rin ang paksa ng ating Gospel reading ngayon: ano ba ang kahulugan ng muling pagkabuhay? Kahit kasi noong panahon ni Hesus at ni San Pablo, hindi pa nagkakasundo ang mga Hudyo tungkol sa doktrina ng muling pagkabuhay. Meron ngang isang eksena sa aklat ng mga Gawa ng mga Apostol, chapter 24,13-15, noong minsan inaresto at nililitis si San Pablo at pinagkakaisahan siya para masentensyahan ng parusang kamatayan. Nakaisip siya ng paraan para ma-divide ang Konseho ng Sanhedrin. Sabi niya, “Ako ba’y nililitis ninyo dahil sa aking paniniwala sa muling pagkabuhay?” Ayun, nagkagulo tuloy sila at hindi na magkasundo. Kumampi sa kanya ang mga Pariseo dahil naniniwala sila sa muling pagkabuhay, laban sa mga Saduseo, ang grupong hindi naniniwala sa muling pagkabuhay.

Ito rin ang grupong nagtatanong kay Hesus sa binasa nating ebanghelyo ngayon. Sino daw ang magiging asawa ng babae sa kabilang buhay kung pitong beses siyang ikinasal? Mababaw pa rin ang intindi nila sa pagkabuhay. Hindi RESURRECTION kundi RESUSCITATION. Para bang ang tingin sa langit ay pagpapatuloy lang ng buhay dito sa lupa. Ano ang problema nila? Kulang sila sa IMAHINASYON.

Dalawa ang naiisip kong pinakamagandang mga pagbasa sa Bibliya na makatutulong sa ating imahinasyon para maintindihan natin ang doktrina ng RESURRECTION o muling pagkabuhay: ang John 12:24 at 1 Corinthians 15. Pareho ang ginagamit na larawan para ipaliwanag ang doktrina ng muling pagkabuhay: ang butil ng trigo o ang binhi ng isang punongkahoy.

May isang kuwentong pambata na magandang talinghaga para sa resurrection. “Minsan may isang langgam na masipag pero mangmang. Sa paghahanap daw niya ng pagkain, isang araw, nakatagpo siya ng isang buto ng sitaw. Tuwang-tuwa siya, dahil maraming pagkain na raw ito. Kahit mas malaki pa sa kanya ang buto ng sitaw, kinaladkad niya ito. Pero hindi niya maiuwi dahil nag-iisa lang siya, at malayo ang mga katropa niya. Kaya humukay daw siya at ibinaon muna niya ito sa lupa. Baka daw kasi nakawin ng iba.

Nilagyan pa niya ng tanda ang pinaglibingan para alam niya kung saan huhukayin pagbalik niya. Makalipas ang ilang araw, binalikan niya ito. Naroon pa rin ang tanda pero nawawala ang buto, puro mga balat na lang ang naiwan sa tabi. Habang iniiyakan niya ang nawawalang buto ng sitaw, napatingala siya dahil tinatawag pala siya ng mga katropa niyang mga langgam na nakaakyat sa isang puno. Ang nakita niya ay isang puno ng sitaw na nakapulupot sa isang patpat at maraming bunga. Ang hinahanap niya isang buto ay naging mahigit isandaang buto sa loob ng mga nakalawit na bunga sa baging na sitaw.”

Ito ang misteryong binabanggit ni Hesus at ine-explain ni San Pablo sa 1 Corinthians 15. Sa verse 35 sabi niya, “May nagtatanong, Paano bubuhaying muli ang mga patay? Ano ang magiging ayos ng katawan nila? Hangal! Hindi mabubuhay ang binhing inihahasik hangga’t hindi ito namamatay.” At sa verse 42, sabi rin niya, “Ganyan din sa muling pagkabuhay: ang itinanim na nabubulok ay tutubong hindi na mabubulok; ang itinanim na pangit ay tutubong maganda. Ang itinanim na mahina ay tutubong malakas.” At sa verse 54, sabi niya, “Babaguhin tayong lahat… Kapag napalitan na ng walang pagkabulok ang nabubulok at napalitan na ng walang kamatayan ang katawang namamatay, natupad na ang Kasulatan.” Ibig sabihin natalo na ang kamatayan.

Minsan sa aking imahinasyon pinapangarap kong umimbento ng kakaibang paraan ng paglilibing ng ating mga yumao. Sana makaimbento tayo ng ibang paraan ng ritwal ng paglilibing: hindi na inimbalsamong bangkay na ilalagay sa nitso ang ating mga yumao o bangkay na cremated at isisilid sa columbaryo. Pwede kaya tayong umimbento ng sacred composting ng mga yumao? Para ang paglilibing ay maging ritwal ng pagtatanim. Hindi kaya mas maganda kung dumating ang panahon na lahat ng mga bundok ay maging sementeryong paglilibingan ng composted remains ng ating mga yumao, at imbes na lapida ang tanda para sa pinaglibingan, isang punongkahoy na humuhugot ng sustansya sa ating katawang lupang nabulok upang mapalitan ng katawang makalangit?

Ang ganda sigurong dumalaw sa atingmga yumao kung ang sementeryo ay isang makapal na gubat at magpi-picnic sa ilalim ng isang punong pinataba ng sustansya ng ating katawang lupa? Ang sarap sigurong kainin ng mga prutas na ibinunga halimbawa ng punong mangga na may nakatitik na pangalan: Juan de la Cruz—namatay sa katawang lupa upang mabuhay na muli sa katawang makalangit. Ang ritwal ng paglilibing ay magiging ritwal ng pagtatanim.

 

ads
2
3
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

“Same pattern” kapag may kalamidad

 5,207 total views

 5,207 total views Mga Kapanalig, ulan at baha ang sumalubong sa atin sa pagpasok ng buwan ng Setyembre. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, labinlimang kababayan natin ang iniwang patay ng Bagyong Enteng. Marami sa kanila ay namatay sa landslide o nalunod sa rumaragasang baha. Hindi bababà sa 20 ang patuloy pa ring hinahanap. Tinahak

Read More »

Moral conscience

 19,975 total views

 19,975 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »

Pagpa-parking/budget insertions

 27,098 total views

 27,098 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »

Season of Creation

 34,301 total views

 34,301 total views Nakakalungkot, ginugunita ng buong Santa Iglesia ang “Season of Creation” o panahon ng paglikha mula a-uno ng Setyembre, kasabay ng “World Day of Prayer of Creation” na magtatapos sa ika-13 ng Oktubre 2024, araw ng National Indigenous Peoples’ Sunday. Kamakailan lang, nasaksihan at naranasan ng milyong Pilipino ang matinding epekto ng pagsasawalang bahala

Read More »

Bulag na tagasunod

 39,655 total views

 39,655 total views Mga Kapanalig, gaya sa larong tagu-taguan, ilang buwan nang “tayâ” ang ating kapulisang hindi mahanap-hanap si Pastor Apollo Quiboloy ng grupong Kingdom of Jesus Christ (o KOJC). Hinihinalang nagtatago siya sa compound ng grupo sa Davao. Mahigit isang linggo na ang nakalipas mula noong ibinalita ng Philippine National Police (o PNP) na, gamit

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANININDIGAN

 2,132 total views

 2,132 total views Homiliya para sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon, 25 Agosto 2024, Juan 6: 60-69 Sa Misang ito ng ating Paggunita kay Santa Clara ng Assisi pagninilayan ang pagiging huwaran niya sa SAMA-SAMANG PAGLALAKBAY TUNGO SA KAGANAPAN NG BUHAY. Isa siya sa mga unang nagpahayag ng suporta kay Saint Francis nang talikuran nito ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKITA KITA

 2,166 total views

 2,166 total views Homiliya para sa Kapistahan ni San Bartolome, 24 Agosto 2024, Jn 1:45–51 “Bago ka tinawag ni Felipe NAKITA KITA sa ilalim ng puno ng igos.” Iyun lang ang sinabi ni Hesus. Hanggang ngayon hinuhulaan pa ng mga Bible scholars kung bakit napakatindi ng epekto ng sinabing iyon ni Hesus kay Nataniel o Bartolome.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

DAMAY-DAMAY

 3,519 total views

 3,519 total views Homily for the Feast of the Queenship of Mary, 22 August 2024, Lk 1,26-38 Isa sa paborito kong kanta sa blockbuster comedy film “Sister Act” ni Whoopi Goldberg ay ang “Hail Holy Queen Enthroned Above”. Hindi alam ng marami na ang kantang iyon ay isa sa pinakamatandang panalangin tungkol kay Mama Mary. Kilala

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BAON SA BIYAHE

 4,616 total views

 4,616 total views Homily for the 20th Sunday in Ordinary Time, 18 August 2024, John 6: 51-58 Sa ating mga Katoliko, ang huling basbas sa mga malapit nang pumanaw ay hindi lamang sinasamahan ng kumpisal at pagpapahid ng langis. Kapag kaya pa ng maysakit, binibigyan siya ng komunyon at ang tawag dito sa wikang Latin ay

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MALASAKIT

 8,838 total views

 8,838 total views Homiliya sa Pyestang San Roque, 16 Agosto 2924, Mateo 25: 31-40 Isang art work ang tumawag-pansin sa akin minsan. Gawa ito sa brass o tanso, hugis-taong nakaupo sa isang park bench, dinadaan-daanan ng mga tao. Minsan tinatabihan siya ng mga gustong magselfie kasama siya. Malungkot ang dating ng sculpture na ito—anyo ng isang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAGKAIN NG BUHAY

 4,562 total views

 4,562 total views Homily for the 19th Sunday in Ordinary Time, 11 August 2024, John 6:41-51 Kung minsan, may mga taong ayaw kumain, hindi dahil hindi sila nagugutom o wala silang ganang kumain kundi dahil wala na silang ganang mabuhay. Ganito ang sitwasyon ng propeta sa ating unang pagbasa ngayon. Nawalan na ng ganang mabuhay si

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

HANAPBUHAY

 5,932 total views

 5,932 total views Homiliya para sa ika-18 Linggo ng Karaniwang Panahon, 4 Agosto 2024, Juan 6:24-35 Sa Tagalog, “hanapbuhay” ang tawag natin sa trabahong pinagkakakitaan ng pera. Pero kung pera pala ang hinahanap, bakit hindi na lang tinawag na “hanap-pera” ang trabaho? Narinig ko ang sagot sa isang kargador sa palengke. Kaya daw hanapbuhay ang tawag

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MISSIONARY

 6,193 total views

 6,193 total views Homily for the Ordination of Hien Van Do, MJ and Dao Minh Pham MJ to the Presbyteral Ministry, 03 August 2024, Jn 15:9-17 87 MJ is your nomenclature for your identity as consecrated persons. Missionaries of Jesus. Let me share some thoughts on what, basically it means to be Missionaries of Jesus. It

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKATATANDA

 14,886 total views

 14,886 total views Homiliya para sa World Day for Grandparents, 27 Hulyo 2024, Ika-17 Linggo ng Karaniwang Panahon, Juan 6:1-15 Ipinagdiriwang natin ngayon ang World Day for Grandparents and the Elderly. Ano sa Tagalog ang ELDERLY? NAKATATANDA. Kaya nagtataka ako kung bakit ina-associate ang pagiging matanda sa pagiging ulyanin o makakalimutin, gayong eksaktong kabaligtaran ang ibig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

RICH SOIL

 7,599 total views

 7,599 total views Homily for the feast of Sts. Joachim and Anne, 26 July 2024, Mt 13:18-23 An elderly couple like Abraham and Sarah, that’s the kind of image that Christian tradition gives us of Joachim and Anne. They were a couple already resigned to their infertility, but were eventually blessed with a child in their

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG PEREGRINO

 7,731 total views

 7,731 total views Homiliya para sa Kapistahan ni Santiago Mayor, 25 Hulyo 2024, Mt. 20:20-28 Pyesta ngayon sa aking hometown sa Betis, Guagua Pampanga, dahil patron ng aming parokya doon si Santiago Mayor. Dalawa ang larawan ni Santiago Apostol ang ipinuprusisyon doon sa amin sa Betis: ang Santiagong sundalo, may dalang espada, nakasakay sa kabayong puti

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

REVELATION TO THE CHILDLIKE

 8,718 total views

 8,718 total views Homily for Wed of the 15th Wk in OT, 17 July 2024, Isa 10:5-7, 13b-16; Mt 11:25-27 Our first reading today is a grim warning to modern-day world powers who bully their neighbors. It is a good reminder for nations that have become economically prosperous and militarily powerful to the point of throwing

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

APOSTOL, SUGO, KINATAWAN

 8,719 total views

 8,719 total views Homiliya Para sa Ika-15 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hulyo 2024, Markos 6:7-13 Nais ko sana na itutok natin ang ating pagninilay sa araw na ito sa kahulugan ng pagiging “apostol”. Alam ko na ang karaniwang iniuugnay natin sa salitang “apostol” ay ang 12 lalaki na pinili ni Hesus mula sa kanyang mga

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 11,473 total views

 11,473 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IN JESUS’ NAME

 15,888 total views

 15,888 total views Homily for Wed of the 13th Wk in Ordinary Time, 10 July 2024, 18th Episcopal Ordination Anniversary, Mk 10:1-7 On Thursday last week, the final day of the annual retreat of the CBCP, we has as main presider at the Eucharistic Celebration the Secretary of the Holy See’s Relations with States, Abp. Paul

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top