Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Bagong kura paroko ng Nuestra dela Soledad Parish, hinamong ipakilala si Hesus

SHARE THE TRUTH

 1,253 total views

Pinangunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang pagtatalaga kay Father Douglas Badong na dating Parochial Vicar ng Minor Basilica Of the Black Nazarene bilang bagong Kura Paroko ng Nuestra Señora Dela Soledad De Manila Parish.

Hinimok ni Cardinal Advincula ang bagong Kura Paroko na higit na ipakilala sa mga mananampalataya ng parokya si Hesus higit na sa bawat tahanan.

“Father Douglas, bilang Kura Paroko, wala kang kailangan ipakita kungdi si Hesus, hindi mo na kailangang magpakita gilas at magpakitang-kisig, ipakita mo lang lagi si Hesus dito sa Camba, sa mga tindahan sa Divisoria, sa mga tahanan sa mga parola, sa lahat ng tao dito sa inyong parokya,” ayon sa pagninilay ni Cardinal Advincula.

Tiniyak naman ni Father Badong na nakasentro sa pananampalataya sa Panginoong Hesu Kristo ang kaniyang misyon bilang bagong Kura Paroko.

Panalangin din ng Pari na naway makita ng mga mananampalataya ng Parokya si Hesus sa kaniyang pagsisilbi bilang bagong pastol ng simbahan.

“Ang pinaka pinagninilayan ko po ay talagang nakasentro lang sa sakramento yun yung gawain dito, yung mga binyag, kumpil, kasal na lahat po ay maging accessible para sa lahat, wala silang aalalahaning bayad dahil wala naman talagang bayad ang mga sakramento, doon po ako mag-concentrate sa aking misyong bilang kura paroko dito sa soledad,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Father Badong.

Si Father Badong ang humalili kay Father Jeremiah Adviento na siyam na taong nagsilbi bilang kura paroko ng Nuestra Señora Dela Soledad na nakatakdang italaga sa Parokya ng Ina ng Laging Saklolo sa Santa Ana Manila.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 82,925 total views

 82,925 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 90,700 total views

 90,700 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 98,880 total views

 98,880 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 114,412 total views

 114,412 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 118,355 total views

 118,355 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Jerry Maya Figarola

MUPH at Caritas Manila, lumagda sa kasunduan

 3,329 total views

 3,329 total views Isinulong ng Caritas Manila ‘Kagandahan sa kabila ng Kadiliman’ na adbokasiyang higit na pagpapabuti sa buhay ng mga mahihirap sa pakikipagtulungan sa Miss

Read More »
Economics
Jerry Maya Figarola

CBCP-ECMI, nanawagan ng kahinahunan sa mga OFW

 11,399 total views

 11,399 total views Nanawagan ng kahinahunan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) sa mga Overseas Filipino Workers

Read More »
Economics
Jerry Maya Figarola

Naranasang harassment, kinundena ng EILER

 12,889 total views

 12,889 total views Kinundena ng Ecumenical Institute for Labor Education and Research ang “red tagging” sa kanilang grupo. Ikinatwiran ng EILER na ang kanilang organisasyon ay

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top