Bagong yugto ng Pilipinas, patuloy na ipanalangin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 394 total views

Hinikayat ng Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang sambayanang Filipino na ipanalangin ang bagong yugto ng bansa sa bagong pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Cardinal Tagle, matapos ang makasaysayang halalan ay hinahamon ang sambayanang Filipino at mananampalatayang Katoliko na ipagpatuloy ang pagmimisyon.

Inihayag ni Cardinal Tagle na kapuri-puri ang ginawang pagboto at pagbabantay ng mga Filipino para sa isang malinis, tapat at kapani-paniwalang halalan noong nakaraang buwan ng Mayo.

“Patuloy nating ipanalangin ang ating minamahal na bansa ngayong mayroon tayong panibagong yugto sa kaniyang kasaysayan at pinasasalamatan din po natin ang lahat ng mga mamamayang Filipino na nakilahok sa ating banal na tungkulin noong halalan. Ang pagboto ay isang banal na tungkulin. Salamat po sa nakiisa sa pagboto, gayundin sa pagpapanatili ng isang maayos malinis at kapani-paniwalang eleksyon. Pinasasalamatan din po natin ang lahat ng mga naging volunteers ng PPCRV at iba pang mga grupo na nakilahok sa edukasyon at pagpapanatili ng kaayusan ng eleksyon,” bahagi ng pasasalamat ni Cardinal Tagle sa Radio Veritas.

Pagkatapos nito,hinimok ni Cardinal Tagle ang lahat na ipagpatuloy ang pagmimisyon sa bayan.

“At sa bawat yugto ng buhay, lahat tayo isinusugo ni Hesus. Pero ito po huwag tayong magmamataas, huwag lalaki ang ating ulo. Sabihin natin pinadala ako ni Hesus,”pahayag ng Cardinal.

Ipinaliwanag ng Cardinal na magagawang tama ang pagmimisyon sa pamamagitan ng pagkalinga sa kapwa tulad ng mapag-arugang ina sa kanyang anak.

Higit sa lahat, sinabi ni Cardinal Tagle na sinusugo tayo sa pagmimisyon bilang tao na maging mabait at maamong tupa sa gitna ng mababangis na asong gubat.

Sinabi ng Arsobispo ng Maynila na ang paghahari ni Hesus ay hindi kapangyarihan upang mambusabos ng kapwa kundi isang mababa,mahinahon at mapagmahal na kordero.

Inihayag ni Cardinal Tagle na isinugo tayong lahat bilang mga kordero sa mundong marahas, sa mundong matigas ang puso, sa mundong halos walang kinikilalang kapwa.

Ngayong taon, ipinagdiriwang ng 2.7 bilyong Katoliko ang taon ng awa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 16,168 total views

 16,168 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 44,519 total views

 44,519 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 112,249 total views

 112,249 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 135,400 total views

 135,400 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 204,458 total views

 204,458 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

DON’T LEAVE GOD WHEN YOU VOTE

 78,085 total views

 78,085 total views Pastoral Message in the Archdiocese of Lingayen Dagupan for the 2019 Mid Term Elections Brothers and sisters in Christ in Lingayen Dagupan: All

Read More »

IS DEATH A THREAT?

 55,659 total views

 55,659 total views Homily delivered by Archbishop Socrates B. Villegas at the Mass of Holy Chrism on Holy Thursday, April 18, 2019 at Saint John the

Read More »

STAND UP FOR THE NEWBORN JESUS!

 94,078 total views

 94,078 total views Message of Archbishop Socrates B Villegas to the People of God in the Archdiocese of Lingayen Dagupan on the occasion of Christmas December

Read More »
Scroll to Top