Banal na misa, pinahintulutan na sa Batanes

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 748 total reads

Pinahihintulutang muli ng Prelatura ng Batanes ang pagsasagawa ng mga pampublikong banal na misa sa lalawigan mula ika-25 ng Hunyo, 2021.

Ang naturang pahayag ni Batanes Bishop Danilo Ulep ay kasunod ng naging anunsyo ng Provincial Government of Batanes ng pagsasailalim sa probinsya sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) o pinakamababang antas ng community quarantine.

Binigyang diin naman ng Obispo ang mahigpit na pagsunod ng lahat ng Simbahan at mga mananampalataya sa mga ipinatutupad na safety health protocol bilang na pag-iingat mula sa pagkalat ng COVID-19 virus.

“Effective this afternoon at 5pm, June 25, I am now allowing the resumption of public masses here in the Prelature of Batanes. May I remind everyone however to continue to observe all health and safety protocols like wearing of face mask and physical distancing.” pahayag ni Bishop Ulep.

Nilinaw naman ng Provincial Government of Batanes na kinakailangan pa rin ng pahintulot ng lokal na pamahalaan para sa pagsasagawa ng anumang mass gathering o activities sa probinsya tulad ng mga parada, fiesta, government activities, cultural activies at maging malalaking pagdiriwang sa pamilya na maaring pagmulan ng community transmission.

Nagpapatuloy ang isinasagawang vaccination roll-out program sa Batanes kung saan batay sa 2018 data ng Philippine Statistics Authority (PSA) nasa mahigit 17-libo ang bilang ng populasyon sa Batanes at target ng Provincial COVID-19 Task Group na mabakunahan ang nasa 14-libong indibidwal upang makamit ng probinsya ang herd immunity mula sa COVID-19.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 77,386 total reads

 77,386 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 155,614 total reads

 155,614 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 189,061 total reads

 189,061 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 224,358 total reads

 224,358 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 447,792 total reads

 447,792 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top