Legacy ng dating pangulong Pnoy, kinilala ng AMRSP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 502 total views

Nagpaabot ng pakikiramay ang Association of Major Religious Superiors in the Philippines (AMRSP) sa pamilya Aquino kasunod ng pagpanaw ni dating Pangulong Benigno Simeon Aquino III.

Ayon kina AMRSP Co-Chairpersons Sr. Marilyn A. Java, RC at Fr. Cielito R. Almazan, OFM kaisa ng buong bansa ang AMRSP sa pagluluksa sa pagpanaw ng dating Panguloy Noynoy na nakilala bilang PNoy.

Pagbabahagi ng AMRSP, hindi malilimutan ng mga religious men and women at mga consecrated persons sa bansa ang magandang samahan at pakikitungo ng dating Pangulo sa mga lingkod ng Simbahan gayundin pakikiisa nito sa pagsusulong ng common good sa pamamagitan ng pagpapatatag ng demokrasya at pagpapaunlad ng ekonomiya para sa kapakanan ng mas nakararami.

“On behalf of the Joint Executive Board and our member congregations and institutes, we wish to unite our voices with the whole nation in mourning the passing away of Former President Benigno S. Aquino III. Many of us, religious and consecrated persons, will treasure not only the friendship that we had with President Aquino and his family, but also our mutual esteem for one another, borne out of our common goal of strengthening democracy and uplifting those in the fringes of Philippine society.” Ang bahagi ng pahayag ng AMRSP.

Paliwanag ng AMRSP, hindi matatawaran ang pagbibigay halaga ng dating Pangulong PNoy sa kontribusyon at mahalagang papel na ginagampanan ng mga consecrated men and women sa pagpapanatili ng demokrasya sa bansa.

Inalala rin ng AMRSP ang pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan ng administrasyong Aquino sa assosasyon at sa iba’t ibang kongregasyon kaugnay sa iba’t ibang mga usaping panlipunan na dapat matutukan sa bansa.

“President Aquino often acknowledged the important contributions of consecrated men and women in keeping the flame of democracy alive, especially during the Martial Law period. On our part, we remember with appreciation the opportunities for dialogue and collaboration that we, as an Association, and as individual congregations and consecrated persons, had with him and his administration on many key social issues.” Dagdag pa ng AMRSP.

Tiniyak naman ng AMRSP, ang patuloy na pananalangin hindi lamang para sa ikapapayapa ng kaluluwa ni dating Pangulong Noynoy Aquino kundi maging para sa katatagan ng loob ng kanyang mga naiwang mahal sa buhay.

Ayon sa pamilya Aquino, pumanaw ang dating pangulo ganap na alas-sais y medya ng umaga ng Huwebes ika-24 ng Hunyo, 2021 dahil sa renal disease secondary to diabetes.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 95,843 total views

 95,843 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 126,066 total views

 126,066 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 152,715 total views

 152,715 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 247,688 total views

 247,688 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 262,435 total views

 262,435 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top