351 total views
Nagpahayag ng pakikiisa at pakikibahagi ang Commission on Human Rights (CHR) sa paggunita ng ika-15 anibersaryo ng pagbuwag ng parusang kamatayan sa Pilipinas.
Ayon kay CHR Commissioner Karen Gomez Dumpit, naaangkop lamang na kilalanin at pasalamatan ang pagsusumikap ng lahat na isulong ang abolition ng Death Penalty sa bansa 15-taon na ang nakakalipas.
“The Commission on Human Rights of the Philippines (CHR) is in solidarity with the human rights community in celebrating the 15th year anniversary of the abolition of the death penalty today, 24 June 2021. We celebrate the tremendous efforts of the different stakeholders who made this possible back then, and their continuing efforts to ensure that the death penalty remains abolished today.” ang bahagi ng pahayag ni CHR Commissioner Karen Gomez Dumpit.
Pagbabahagi ni Dumpit, nananatili ang paninindigan at posisyon ng kumisyon laban sa parusang kamatayan kung saan nasasaad sa Article II, Section 11 ng Pambansang Konstitusyon ng Pilipinas ang pagbibigay halaga sa dignidad at karapatang pantao ng bawat isa sa lipunan.
Paliwanag ng opisyal, ang death penalty o ang pagpapataw ng parusang kamatayan ay tahasang pagsasantabi sa dignidad at karapatan pantao.
“The position of the CHR, however, has always been against the death penalty. It is a State Policy under Article II, Section 11 of the Constitution to value the dignity of every human person and to guarantee respect for human rights. The death penalty, however, violates human dignity and runs counter to the principles of human rights. Thus, we maintain that the death penalty should have no place in a just, civilized and ordered society.” Dagdag pa ni Commissioner Dumpit.
Giit ni Dumpit maari ding makaapekto sa kredibilidad ng Pilipinas at magkaroon ng implikasyon sa iba pang mga kasunduan sa larangan ng ekonomiya at politika kung sisirain ng pamahalaan ang kasunduan sa ilalim ng Second Optional Protocol to the International Covenant on Civil and Political Rights na nagbabasura ng death penalty.
Taong 2006 ng opisyal na lagdaan ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang pagbuwag sa Death Penalty kung saan sa ilalim rin ng Administrasyong Arroyo ng nilagdaan ng Pilipinas ang Second Optional Protocol to the International Covenant on Civil and Political Rights na nagbabawal sa mga kaisang bansa na muling ibalik ang Capital Punishment na parusang kamatayan.
Una na ring nanindigan ang CBCP – Episcopal Commission on Prison Pastoral Care na hindi magbabago ang paninindigan ng Simbahan laban sa pagbabalik ng Death Penalty sa bansa.