Archbishop Baccay, nagpaabot ng pagbati kay Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 543 total views

Nagpaabot ng pagbati ang Archdiocese of Tuguegarao sa pagkakatalaga ng Kanyang Kabunyian Jose Cardinal Advincula bilang bagong Arsobispo ng Arkidiyosesis ng Maynila.

Ayon kay Tuguegarao Archbishop Ricardo Baccay, ang pagkakatalaga kay Cardinal Advincula bilang bagong punong pastol ng Maynila ay tiyak na makapagdudulot ng panibagong sigla sa buong Simbahang Katolika hindi lamang sa Arkidiyosesis ng Maynila.

Partikular na tinukoy ng Arsobispo ang Episcopal motto ni Cardinal Advincula na ‘Audiam’ na nangangahulugan ng kanyang kahandaan na makinig.

Pagbabahagi ni Archbishop Baccay, isang mahalagang paalala ito sa layunin at misyon ng Simbahan na itinakda sa naganap na 1991 Plenary Council na pagsisilbing isang ganap na Church of the Poor ng Simbahan sa pamamagitan ng tunay na pakikinig sa hinaing at pagsusumamo ng bawat isa sa lipunan.

“On behalf of the faithful of the Archdiocese of Tuguegarao, I wish to greet His Eminence, Jose Fuerte Cardinal Advincula, as the new Archbishop of Manila. His appointment is a new fresh air of being a Church which his motto clearly defines for us – Audiam (I will listen). His presence will continue to bring inspiration to move Manila and the whole Church in the Philippines reach out to people with the image of a young, simple, and compassionate Church, and thereby fulfilling the dream set by 1991 Plenary Council to be genuinely a Church for the Poor.” pagbati ni Archbishop Baccay.

Tiniyak naman ni Archbishop Baccay ang pakikiisa ng Archdiocese of Tuguegarao sa pagsusulong ng misyon ng Simbahan na patuloy na maipalapit at maipalaganap ang Salita ng Diyos sa bawat isa lalo na ngayong ginugunita sa Pilipinas ang ika-500 anibersaryo ng pagdating ng pananampalatayang Kristiyano.

Giit ng Arsobispo, hindi lamang ang mga mananampalataya ang dapat na tutukan at gabayan ng Simbahan kundi maging ang mga naliligaw ng landas at mga walang pinananampalatayaan.

“Marked by this timely celebration of 500 years jubilee of faith, may we join him in his mission of leading our Church that accompanies the faithful, including those who have fallen away, far from us, or may not even like us.” Dagdag pa ni Archbishop Baccay.

Naganap ang makasaysayang pagtatagala kay Cardinal Advincula bilang ika-33 Arsobispo ng Arkidiyosesis ng Maynila kasabay ng Dakilang Kapistahan ng Pagsilang ni San Juan Bautista at ika-450 anibersaryo ng pagkakatatag sa Lungsod ng Maynila noong ika-24 ng Hunyo, 2021 na pinangunahan ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 44,466 total views

 44,466 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 168,877 total views

 168,877 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 211,321 total views

 211,321 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 289,542 total views

 289,542 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Community pantry, pinalawak ng CMSP

 2,287 total views

 2,287 total views Patuloy ang pagsusumikap ng Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) para sa programa nitong “CMSP CARES,” na isang community pantry na

Read More »
Scroll to Top