Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Death penalty, anti-poor at hindi solusyon sa pagsugpo ng krimen

SHARE THE TRUTH

 560 total views

Nanindigan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Prison Pastoral Care na hindi kailanman tugon ang pagpaslang maging ng mga kriminal upang makamit ang ganap na katarungang panlipunan.

Ito ang bahagi ng pahayag ng kumisyon para sa paggunita sa ika-15 anibersaryo ng abolition ng Death Penalty o parusang kamatayan sa Pilipinas noong 2006.

Ayon kay Diocese of Legazpi Bishop Joel Baylon – chairman ng kumisyon, ang bawat nilalang maging ang mga nagkasala o lumabag sa batas ay dapat na bigyan ng pangalawang pagkakataon upang makapagsisi at makapagbagong buhay.

“The Episcopal Commission on Prison Pastoral Care of the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP-ECPPC) joins the Coalition Against the Death Penalty (CADP) in the joyful celebration of the 15th year of the abolition of the death penalty in the Philippines. We at the CBCP-ECPPC maintain that no person is beyond reformation. Every person deserves a second chance in order to correct his/her wrongdoings.” pahayag ni Bishop Baylon.

Ipinaliwanag ng Obispo na ang bawat buhay na ipinagkaloob ng Panginoon ay mahalaga.

Tiniyak ni Bishop Baylon na hindi kailanman mababago ang paninindigan ng Simbahan laban sa planong muling pagbabalik ng death penalty sa bansa na sadyang hindi tugon o solusyon sa kriminalidad sa lipunan.

“Our Holy Father Pope Francis in his teachings, has constantly stressed that the taking away of life is inadmissible. Every person is valuable as he/she is created in the image and likeness of God. Thus, we strongly and unequivocally oppose the move of the present Congress to restore the Death Penalty in our Justice system. We maintain that the death penalty is violative of the inherent dignity of the human person. No person, no matter how evil he is perceived to be, is beyond redemption and reformation.” Dagdag pa ni Bishop Baylon.

Naniniwala rin ang kumisyon na tanging ang mga mahihirap lamang ang mabibiktima at mapaparusahan ng kamatayan dahil sa kawalan ng kakayahan ng mga ito na maipagtanggol ang kanilang sarili sa harapan ng hukuman.

Binigyang diin rin ni Bishop Baylon na kung susuriin ang sistema ng katarungan at ang hindi patas na pag-iral sa batas sa bansa ay sadyang hindi naaakma ang parusahang kamatayan sa Pilipinas lalo na’t ‘irreversible’ ang parusang kamatayan kung saan hindi na muling maibabalik pa ang buhay ng sinuman.

“The death penalty will only mostly victimize the poor. Our past experiences show that most of those who were meted the death penalty were indigent and poor individuals, who simply could not afford quality legal representation to defend them before the courts. Lastly, the death penalty cannot work in an imperfect judicial system like ours. Once carried out, the death sentence is irreversible, and there is no possibility for rectifying an erroneous judgment.” Ayon pa kay Bishop Baylon.

Giit ng Obispo, patuloy na magkakaisa ang iba’t ibang mga sektor na nagsusulong sa karapatang pantao at kasagraduhan ng buhay upang kilalanin at respetuhan ang Republic Act 9346 An Act Prohibiting the Imposition of Death Penalty in the Philippines – ang nilagdaang batas ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong June 24, 2006 na opisyal na nagbubuwag sa parusang kamatayan sa Pilipinas.

Muli ring nanawagan si Bishop Baylon sa mga mambabatas na tuluyan ng isantabi ang planong muling pagbabalik ng Death Penalty sa Pilipinas na isang tahasang paglabag sa dignidad ng tao, pagkakataong muling makapagbago at buhay na ipinagkaloob ng Panginoon sa bawat isa.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pope Francis

 5,094 total views

 5,094 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 21,681 total views

 21,681 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Trend

 23,050 total views

 23,050 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »

Maiingay na lata

 30,724 total views

 30,724 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »

Edukasyon at kahirapan

 36,228 total views

 36,228 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, nagluluksa pagpanaw ni Lolo Kiko

 3,231 total views

 3,231 total views Nagpahayag ng pakikiisa ang Council of the Laity of the Philippines sa pagluluksa ng buong daigdig sa pagpanaw ni Pope Francis. Ayon kay

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

FABC, magtatatag ng Commission for Synodality

 28,458 total views

 28,458 total views Nagkasundo ang Federation of Asian Bishops’ Conferences (FABC) para sa pagtatatag ng isang bagong Commission for Synodality. Pangungunahan ni Filipino Cardinal, Kalookan Bishop

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

“Ang lahat ay tinatawag sa kabanalan.”

 29,143 total views

 29,143 total views Ito ang bahagi ng pagninilay ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa maagang pagsasagawa ng Apostolic Vicariate of Taytay, Northern Palawan ng Chrism

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top