815 total views
Ipatupad ang 35-estudyante kada silid paaralan na panuntunan sa mga pampublikong paaralan sa pamamagitan ng pagtatayo ng mas marami pang classrooms.
Ito ang mensahe ni Vladimer Quetua – Chairperson ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa patuloy na pagdinig ng Senado sa budget proposal ng Department of Education (DEPED) para sa School Year 2022-2023.
Ang bilang na 35-estudyante ay mula sa International Standard na itinalaga ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) na hindi nasusunod sa Pilipinas dahil umaabot sa 50 hanggang 80 mag-aaral ang nagsisiksikan sa isang silid-paaralan.
“Napakalahaga kasi kung magsisiksikan ang mga bata, siyempre unahin na muna natin yung usapin ng kalusugan, hinihingi pa naman na pagkakataon yung dapat social distancing, hindi na po namin yung nasusunod kasi nga po siksikan, ang sagot lamang ng DEPED, temporary spaces” pahayag ni Quetua sa Radio Veritas.
Tinukoy din ni Quetua sa kanyang personal na pagbisita sa Cebu ay marami pa rin sa ng mga nasirang silid paaralan ng bagyong Odette ang hindi naitatayong muli o nakukumpuni.
Kasabay ito ng suliranin ng learning poverty dahil sa kabawasan ng oras sa pagtuturo sa mga pampublikong paaralan na nasa mga highly urbanized areas.
Ayon kay Quetua, umaabot na lamang sa hanggang limampung-oras kada paksa sa halip na isang oras ng dahil sa shifting schedules bunsod sa dami ng estudyante sa mga paaralan.
Batay sa School Year 2022-2023 data ng Department of Education ay aabot sa 900-libong mga guro ang nagtuturo sa buong Pilipinas habang aabot naman sa 28-milyong estudyante sa parehong mga pampubliko at pampribadong sektor ang kabuoang bilang ng mga mag-aaral ngayong taon.
Sa naging paggunita ng Catholic Bishop Conference of the Philippines Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education ng World Teachers Day ay una ng nakiisa ang komisyon sa mga guro upang matugunan ang mga suliranin sa sektor ng edukasyon na kanilang pangunahing kinakaharap.