EJK survivors at anti-corruption advocates, handa na sa pagtestigo sa impeachment laban kay VP Duterte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,020 total reads

Nagtipon ang mga Anti-Corruption Advocates at Extra Judicial Killing o EJK survivors upang manalangin at palakasin ang paninindigan sa impeachment complaint laban kay Vice Presient Sara Duterte.

Inihayag ni Fr. Joel Saballa, deputy-executive director ng Caritas Novaliches at isa sa mga complainant sa impeachment complaint laban kay VP Duterte, nagsama-sama ang anti-corruption advocates at EJK survivors upang upang manalangin, magdayalogo at magnilay sa hinangad na katarungan.

Ipinaliwanag ni Fr.Saballa na kailangan nilang lumaban upang mapigilan ang pangalawang pangulo na maging presidente ng bansa sa pangambang maulit ang madugong war on drugs ng amang dating pangulong Duterte.

“Kasi naniniwala tayo, naniniwala ang mga pamilya at tayo na sa pagsasama-samang ito ay ating makikita kung paano panagutin ang pangalawang Pangulo. Kasi pag ito ay naging Pangulo, baka posible rin maulit ang extrajudicial killing, kaya tayo nagsasama-sama bilang isang simbahan, mananalangin at magninilay,” ayon sa panayamn ng Radyo Veritas kay Fr.Saballa.

Sa pagtitipon, isinagawa din ang send-off para sa mga kaisa at testigo sa pagpapatuloy ng impeachment proceedings sa kongreso laban kay Vice-president Duterte.

Hinihimok ng Pari ang mga Pilipino na makiisa sa pakikibaka upang hindi na maulit ang malawakang pagpatay at makamit ng mga EJK victim ang katarungan.

“Una-una, gusto natin ipaalaala sa taong bayan na itong panawagan ng mga pamilya ay hindi lang isang teorya ito ay karanasan, panawagan para hindi na maulit ang extrajudicial killing at mabigyan ng katarungan ang mga pinagdaanan ng mga namatay at panawagan natin na sana ay bigyan ng pagkakataon at boses na magsalita yung mga biktima para mailatag ano talaga yung katotohanan ukol ito sa patuloy ng paglihis ng pangalawang Pangulo para sagutin ang impeachment complaint laban sa kanya. Kaya itong pagkakataon na ito na muli na pag-ibot-ibon ay bahagi ng pag-suporta ng iba’t ibang sektor sa impeachment case na tinanggap ng Commission on Justice na merong substance and form,” bahagi pa ng panayam kay Father Saballa sa Radyo Veritas.

Naghahanda na rin ang grupo sa kanilang pagtestigo sa House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint laban kay VP Sara.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 125,483 total reads

 125,483 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 157,213 total reads

 157,213 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 259,040 total reads

 259,040 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 299,597 total reads

 299,597 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 314,886 total reads

 314,886 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top